Monday, December 31, 2012

Add Ons 2012

* Foreign Tourist.
Palakad lakad na animo'y bansa namin ang aming tinatapakan. Di naman kasing halata na kami ay turista. Nahahalata lang nila na kami'y turista sa aming pananalita. Katunayan, hindi man lang kami inalok nung nagtitinda ng Thai traditional na payong sa Bangkok at Pattaya. Gustong gusto naming bumili. Akala nila lokal din kami!


** A Backpacker.
Ang Khaosan Road sa Bangkok, Thailand ang pinakakilalang lugar ng mga Backpackers na nagmula pa sa ibang parte ng mundo. Dahil nakapunta na kami ni Misis sa Khaosan, official na naming matatawag ang sarili namin na Backpacker.



*** "The Anchor Boy"
"Ihulog na Dong", sabi ni Kuya Bangkero. Nag-iisa lang kasi akong lalake sa Island Hopping namin sa Digos, Davao del Sur. Ako na ang bagong katandemn ni Kuya. Ako ang tagahulog ng angkla (anchor) ng aming bangka.






**** The Lighting Man
Isa sa mga lugar na gustong puntahan, ang tinaguriang the Seven Wonder of Nature, ang Underground River ng Palawan. Dahil gustong mauna, front seat ang pinuntirya. "Sir, up, down, left, right, thats it!". Hawak namin ni Misis ang debateryang ilaw ng bangka. Minsan di na sinusunod ang guide.



***** Caving and spelunker. 
Hindi namin napaghandaan ang adventure title na ito. Lalong lalo na ang zip line ng Ugong Rock sa Palawan.
Gapangan sa kweba, akyatan, at pabitin mula sa itaas ng bundok hawak ang paghinga hanggang makarating sa ibaba.




****** Rock climber with the best and romantic lunch picnic.
Matarik, mabato, mapanganib.
Maganda, masarap, nakakagigil.
Ang ganda ng lugar ng Pilipinas. Buong araw na island hopping, swimming, walking, climbing, frightening, at dining sa El Nido, Palawan.




******* House and family man.
Itinayo namin si Bangpat. Pamilyado na talaga ako. May asawa at may bahay. Di man kasingrangya ng isang milyonaryo pero mayaman naman ako sa pagmamahal daig pa ang isang bilyonaryo.


Saturday, December 15, 2012

Incoming Dad (Week 32)

Nagrereklamo na si Misis dahil ramdam na ang bigat ng tiyan.

"Kinabahan ako kagabi. Tumigas ang tiyan ko pati na si baby. Akala ko manganganak na ako."
Nag-aalala ako. Masyado pa kasing maaga para sa ganoong sitwasyon. Pero parang muscle strectching lang ang nagyari. Nagpapractice lang siguro ang bata.

Masyado na ring malikot ang baby. Umaalon alon ang tiyan ni Misis kapag nasilayan na gumagalaw ito. Nadadakma na rin ni Misis ang parte ng katawan. Lalo na tuloy kaming excited kahit kabado.

Nahihirapan na si Misis sa diet niya. Lalo na siyang lumubo ngayon. Masarap daw kasing kumain. Hindi niya mapigilan. Paano ba kasi lahat ng pagkain ay nasa Pinas na. Lalo pa ngayon, sunod sunod ang mga okasyon. Nasira ang diet niya.

Sabik sa KFC (Photo taken July, 2012)

Birthday ni Misis. Wala ako. Kahit isang beses hindi pa ako nakadalo sa birthday niya. Baka sa susunod na taon.
Happy Birthday!

Thursday, December 6, 2012

Incoming Dad (Week 30)


Back to text and chat na ulit kami ni Misis. Nakakapanibago. Halos pitong buwan ko nang hiniwalayan ang aking dual sim cellphone na Nokia X1 ngunit heto binalikan ko ulit siya. Hindi pwedeng mahiwalay nang matagal. Laging katabi at laging hinahanap.

Dati, kasama ako sa mga check up ni Misis sa hospital. Ang mga progress ni Kajlil ay sabay naming nalalaman. Ang mga bago niyang mga nararamdaman ay ako ang unang nakakaalam. Iba na ngayon, nagsosolo na si Misis sa hospital. Text and chat na lang kung kailan ako online.

Halos isang linggo kaming nagworry noong bagong dating kami sa Pinas. Dati namang aktibo kung gumalaw si baby ngunit biglang dumalang noong nasa Pinas. Hanggang sa pag-alis ko ay ganoon pa rin. "Baka pagod lang sa biyahe at dahil marami tayong ginawa dahil nga bagong dating." Naisip rin namin na baka naninibago ang baby sa loob. Sa mga bagong ingay at boses ng mga nasa paligid. May maririnig na siyang tahol ng aso at tilaok ng manok. Maraming na siyang maririnig na mga boses. Iyon nga lang may isang boses na hahanap-hanapin niya dahil saglit na mawawala. Ang boses ng tatay niya.

Dahil na rin sa pag-aalala, tinawagan ko si Misis. Kinumpirma ang kalagayan ng baby. Laking tuwa na lamang at nalaman na gumagalaw na ulit. Namiss lang siguro ni Kajlil ang taong laging kakuwentuhan ng nanay niya. Hyper na ulit si kajlil. Napapaihi pa minsan si Misis kapag tumadyak. Napakalakas na nitong sumipa.

Dumami at nadagdagan na rin ang complaints na naririnig ko kay Misis. Nangangalay, masakit, lumaki, lumapad, at marami pa. Hindi talaga biro ang magbuntis at ang sakripisyo ng babae. " Baka sabihin na nagrereklamo ako kay Kajlil. Hindi ha... Ang pagdating niya ay isang blessing na dapat ipagpasalamat."

Kaya ang tatay ni Kajlil ang tumatanggap sa lahat ng reklamo.

Tuesday, November 27, 2012

Incoming Dad (Week 28)

Mahaba ang pila sa clinic ni Dra.Castillo noong dumalaw kami. Marami na ring buntis ang nakapila sa labas.
Tinawag na si Misis. May mga katanungan si Doki kay Misis at dahil pangalawang doktor, hiningi niya ang ibang mga detalye mula sa hospital na pinanggalingan namin. Medyo hindi lang detalyado ang nadala naming mga resulta kaya medyo dismayado si Doki.
May katagalan ang check-up dito. Matagal ngunit hindi mabagal. Tama nga ang sabi nila, satisfied ang isang buntis kapag dito nagpatingin. Inisa-isa ang bawat hubog ng katawan ni Kajlil. Mula ulo hanggang paa. Nasilip rin namin ang mismong itsura niya. Gising siya at gumagalaw. At kumpirmadong lalake nga si Kajlil sa timbang na 1042 grams. Sinukat rin ang size niya at normal lang ang kanyang laki sa edad niya.
Tumagal nang mahigit kalahating oras ang check-up. Marami kaming nalaman at ipinahabol pa ni Doki ang reminder kay Misis. "Avoid salty and fatty foods". Maiiwasan kaya ang masarap na litson?

Lumubo ang tiyan ni Misis.
"Para ka nang manganganak". Ito ang sabi ni Ermat ko at ni Mother niya. Pati ang mga paa niya ay lumalaki marahil dahil sa panay lakad. Nangangalay man ang mga paa niya ay para na rin itong exercise niya. Naninibago marahil.

 
Nabilhan na rin namin ng mga gamit si Kajlil. Ang sarap mamili ng mga maliliit na shirts, short pants, padyamas, unan, caps, gloves, socks, lampin, towels, bahag. bibs, baby bottles, stroller, at marami pang iba. Magastos pero ang saya.

Monday, November 19, 2012

Escort Service


Inihatid ko siya sa airport. 
Pwedeng pumasok ang bisita hanggang sa check-in counter. Nagpaalam. Nalungkot. 
Ipinila siya sa airline check-in counter at iniabot sa airline staff ang ticket niya. 

Iniaabot ko sa staff ang dalawang tickets. Isa doon ang lihim kong itinago nang ilang linggo. Ihahatid ko siya, hindi lang sa Saudi airport. Ihahatid ko siya hanggang sa bahay namin sa Pilipinas.

Sorpresa sana ito sa kanya nung nagkataon. E kaso hindi natuloy dahil, hindi ko kayang maglihim. Dalawa lang ang naiisip ko kapag hindi ko siya maihahatid. Una, baka di niya makita ang daan sa airport dahil sa non-stop niyang pagluha. Baka lalo siyang mawala lalo't di pa niya kabisado at first time pa niyang mag-exit nang solo. At panghuli, hindi kaya ng kunsensya ko na makita siyang aalis at magbabiyahe karga ang anak ko sa sinapupunan niya. Mahihirapan siya at walang aalalay sa kanya sa mahabang biyahe. Parang napakasama ko na pagkatapos buntisin, ay pauuwiin nang ganoon na lang.

Leaving King Fahad International Airport in Dammam, KSA.

Short stop in Doha International Airport, Qatar.
Dire-diretso ang biyahe namin mula Damman hanggang sa Davao. May short stop-overs lang sa Qatar at Manila. At kahit pagod at walang mga tulog ay nagawa pang manood ng Breaking Dawn Part 2 sa SM-Davao. Isang pelikula na inaabangan at bukambibig ni Misis.

Thursday, November 15, 2012

It's a Boy no?


Naaadik kami sa larong Candy Crush Saga sa Facebook. Ganito kami ka sweet! Minsan naiwanan na iyong nilulutong ulam. Dahil nakaligtaan na may niluluto, ang sinabawan ay naging toasted. Ang sarap pa naman iyong sinabawang buntot ng baka na may puso ng saging.

Al Mana General Hospital, Jubail

Huling bisita namin kay Doktora Ritzwana. Dala na rin namin ang mga airlines medical certificates para pirmahan niya. Habang pinirmahan niya ang ang dalawang piraso ng papel, kinukuhanan naman ng assistant ni Dok ang mga vitals ni Misis at inihanda ang  pagsalang sa ultrasound para silipin si Kajlil. Tumayo na si Dok para icheck ang bata. "It's a boy no?" Biglang umangal si Misis. "Oh Doc don't tell us". "Now I'm not sure.." bawi ng doktora. "Doc, I heard it..". Sabi ko sabay tawa. Tumawa rin si doktora.
Halakhakan sa loob ng clinic. Nakalimutan ni doktora na sana ay surprise ang kasarian ni Kajlil. "Everyone is asking, that's why....i forgot", paliwanag ni doktora. Hindi na tuloy surprise ang gender ni Kajlil. Bago kami umalis ng clinic, hiningi din namin ang test results at ang expected delivery ni Misis, February 12, 2013.
 
"Lalake, masculine ang dating ni Kajlil  sa ultra sound pic niya." sabi ni Mother.
"Lalake iyan, dahil marami kang taghiyawat". In short, pumangit si Misis, sabi ng isa naming kaibigan.

May talo na naman sa pustahan!


Nakahanda na ang lahat para sa pag-uwi ni Misis. Nakahanda na ang exit reentry visa niya at ang mga dadalhing mga pasalubong. Malungkot na naman itong bahay sa mga susunod na linggo at buwan.

Thursday, November 8, 2012

Incoming Dad (Week 26)

Napaaktibo ni Kajlil sa stage na ito. Panay ang kanyang galaw lalong lalo na sa gabi. Iyong akmang matutulog na si Misis ay doon siya magigising. Malalakas na ang mga galaw na minsan nagpapatuliro kay Misis. Nakakagulat daw!
 Kinukwenta na nga namin na kapag ganitong dis oras nang gabi ang gising niya, madaling araw ito sa Pinas. Kaya maaga pa ay gising na dapat ang magbabantay.

Nagsimula na kaming mag-ipon ng mga gamit ni Kajlil. At ang una kong nabili?
Isang Soother.
Sa Pinas na kami mamimili ng mga damit at iba pa niyang pangangailangan. Target namin na bago matapos ang buwang ito ay kumpleto na ang mga gamit niya.

 White Soother ang unang gamit ni Kajlil.

Nakahanda na ang mga blankong airlines medikal certificates para sa pag-uwi ni Misis sa Pinas. Ayon sa sa travel agency, di na kailangan ang medical certificates para sa anim na buwang buntis pero mas mabuti na ang sigurado. Bibisitahin pa namin si Doktora para mapunan niya ang mga blankong certificates.

Thursday, November 1, 2012

Work Accomplishment

Animo'y pista na naman! Maraming pagkain. Busog na busog kami!  Sa kalagitnaan ng kainan ay saglit na katahimikan. May naaalala. May kulang.

Nakakamiss talaga iyong marami ang kasalo sa hapag kainan. Iyong eksenang nag-aagawan ng isang parte ng manok. Iyong eksenang kailangang may maghahati ng pagkain para equal portion ang lahat. Naaalala ang aming malaking pamilya na sabay-sabay na kumakain. Magulo ngunit masaya!

Marami akong natapos ngayong linggo. Mga bagay na dapat ipagpasalamat. Di kami nagluto kaya umorder at nagtake-out sa malapit na restaurant, ang Pansitan.

Naayos ko na ang papeles sa tinitirhan naming apartment.
Nabili ko na ang mga promised items na gusto kong ipamigay sa kapamilya.
Nagpabook ng flight para sa pag-uwi. Nakapagdesisyon na kami na sa Pinas si Misis manganganak. Posible palang pumasok ang sanggol sa bansa kahit walang visa.
Monthsary namin kahapon. (Himala, ako ang nagremind, dati akong makakalimutin!.)
Naayos ko ang busted lamp namin sa kusina.
At ngayon, isang accomplishment ang maging nominado sa isang contest.





Tuesday, October 16, 2012

Incoming Dad (Week 22)

Nasaksihan ko ang kaunting mga galaw ni Kajlil. Hinahawakan ni Misis ang kamay ko habang ipinapahimas ang gumagalaw na parte ng tiyan niya.


Mahilig sa martial arts ang baby sa ganitong panahon. Nagugulat si Misis sa mga flying kick at upper cut niya! Nararamdaman ang mga paggalaw nito. Malamang nakakarinig na rin, dahil lalo siyang magalaw kapag may ingay. Tulad na lang noong nagvideoke kami sa bahay ng isa kong kasamahan sa trabaho. May kantahan, may tawanan, at may kulitan ng mga bata. Mga posibleng dahilan kung bakit siya sobrang magalaw? Gusto niya sigurong makisama sa kasayahan o diring diri siya sa mala-porselanang boses ng mga magulang niyang kumakanta.

Lalong lumaki ang tiyan niya ngayon. Halos tatlong kilo ang nadagdag sa timbang niya. Nagrereklamo na siya ng pangangalay ng balakang at mabigat na ang tiyan lalo na kapag nakahiga nang nakatihaya. Nakatigilid na siya kung bumangon sa higaan.
Binisita na rin namin ang OB gyne. Maliban sa mga vitamins ay binigyan din siya ng gamot para sa sipon. "Is the baby sleeping, Doc?" tanong ni Misis kay Dr. Ritzwana. "No, awake", sagot ng doktora. Tulad ng inaasahan, normal ang kondisyon ni baby. Magiging maayos ang pag-uwi nila sa Pinas sa susunod na buwan.

Ipinasyal ko na rin sa Misis sa Al-Khobar. Ipinakita sa kanya ang King Fahad Causeway, ang friendship bridge na nagdudugtong sa bansang Saudi Arabia at Bahrain. Dumaan na rin kami sa tabing dagat na maraming nagpipiknik na pamilya ng mga Arabo. May camel at ATV na nakita niya first time. Kahit gustong gusto niyang sumakay ay hindi maaari. Alok nang alok ang mga Arabo para sumakay ngunit sinasabihan ko na "Pregnant". Papicture na lang muna. Ito ay para mapangalagaan ang baby.




Monday, October 1, 2012

Incoming Dad: Week 20

Nakapagpahinga na mula sa araw na araw na pagsususka. Lumubo na ang tiyan at di na maikukubli pa. Buntis na nga! Bumalik na ang gana niya sa pagkain kaya medyo matakaw na kami sa kanin. Kailangan ko na ring bumili ng maraming pagkain na maitago sa ref. May madalas kasing nagugutom. Healthy ang pagkain dahil halos prutas ang binibili ko at umiiwas muna sa mga pagkaing may preservatives.

Araw-araw lumalaki na si baby. Animo'y may kargang bola ng basketball si Misis. Nakausli na yong pusod niya! Noong dalaga siya, malamang ipinagmayabang niya iyon. Tama nga iyong nabasa ko sa internet. Sa pang-apat na buwan, makikisabay na sa pagkain si baby. Ang bawat sustansiya na nakakain ng Ina ay malaking porsinyento ang napupunta sa bata. Bumalik na rin siya sa pag-inom ng gatas para sa buntis. Dati kasi nahihilo siya tuwing umiinom nito.
Nararamdaman na rin ang galaw ni baby. Nararamdaman ni Misis. Ikinukwento niya lang sa akin kasi di ko naman nararamdaman. Kinakapa ko lang at inaabangan. Kaso ayaw yatang tumadyak kapag nariyan ako. Nagagalit siguro kasi lagi kong kinakantiyawan ang bagong pigura ng nanay niya. Di bale, mag-aabang pa rin ako kung kailan niya gusto.


Ang palayaw ni Baby ay si Kajlil ( pronounced as Kalil) for "little karen angelie and james" . Ito iyong unisex na pangalan na nagustuhan namin.Maraming salamat sa mga nagbigay ng entries at congratulations kay Mother sa napakagandang pangalan na ibinigay.



Saturday, September 29, 2012

Searching Baby's Nickname

Mahirap palang mag-isip at pumili ng pangalan kung anak mo na ang pinag-uusapan. Kaya naisipan naming mag-asawa na magpatulong sa kapamilya. May dalawang pangalan na kami na nakareserve kay baby. Isa na pambabae at isang panglalake. Palayaw na lang ang aming hinahanap kaya todo bigay at suporta ang aming mga pamilya sa paghahanap ng magandang palayaw sa paparating na miyembro ng pamilya.


Search for the Baby's nickname final entries!

Paul entries: Unique

Intoy entries: Glaizer

Lolek entries: Zohan, Yuri, Jamien

Kodi entries: Jenda, Rhys

Mother entries: Kaj, Kajlil, Gloja, Tatjun, Tatjune, Anja, Hendel

Joan entries: Eoj, Ae, Rijn. Jiadney, Luan, Cephie

Inday entries: Axelle, Jarenn

Denden entries: Aikee, Aizzy, Sheoun, Aldelie, Kolbie

Girlie entries: Keziah, Kevenn, Exzzel, Maigne, Xyrelle, Myrix

Kendy entries: Cailin, Caden


Monday, September 17, 2012

A Womanizer

Monthly check-up ulit namin kay Dr. Ritzwana. Week 18 nang pagbunbuntis. Fresh pa ang mood ni doktora at ngumingiti pa noong nakasalubong namin sa corridor ng ospital. Nasorpresa kami na kami ang first client niya sa araw na iyon. Kitang kita na namin ang baby sa ultrasound. Halos kumpleto na ang porma ng katawan niya. Nakahinga at masaya kami dahil normal lahat ang laboratory tests na ginawa sa kanya. Sinabihan ni Misis ang doktor na huwag kaming sabihan sa sex ng baby. Hinhintayin na lang namin sa paglabas niya. "Doc, just whisper it to me, I want to know", hirit ko sa Indian doctor. "No...", sagot niya. Si doktora talaga! Talo ako sa kaso dahil hindi ako pinanigan ng korte. Ganunpaman, ayos lang ang ganoon. Araw araw excited. Girl ba talaga si baby o Boy?

Natutulog siya habang gumagawa ako ng blog para entry ko sa isang blog award contest. Napansin ko na lamang na nagising siya at nakatayo sa may pintuan. Sinasabi niya na ang sama daw ng panaginip niya. Hindi ko iyon pinansin kasi ganyan naman siya. Laging may ikinukwento kapag bagong gising mula sa mga napaginipan niya. Ganoon talaga yata ang first time na buntis. Maraming pumapasok sa isipan kaya laging may napapanaginipan. Lumapit siya at tumabi sa akin. Niyakap ako mula sa likod. Naglalambing ang asawa ko sa isip ko. Tapos biglang may narining akong impit na boses. "Anong nangyayari sayo?" Pinaharap ko sa akin ang mukha niya. Tumutulo ang luha, umiiiyak. Ang pangit daw kasi ng panaginip niya. May babae daw ako. Natawa ako kahit malamais ang mga butil ng luha niya. Sineryoso niya talaga ang panaginip niya. "Panaginip lang yon! Inaakusahan mo pa akong babaero kahit sa panaginip, napakaunfair naman!..",pabiro kong sabi. Napakadrama ang dating ngunit comedy para sa akin.

Friday, September 14, 2012

Taking a Bath


Matamlay na animo'y sasama ang pakiramdam. Humiga sa kama at naidlip. Dinadaan na naman sa tulog ang pagliligo! Third day niya na walang ligo! Hindi rin niya maintindihan kung bakit perwisyo sa kanya ang maligo. Ipinagpaliban muna ang naunsyaming activity ngunit kinabukasan ay naligo na rin siya. Umabot ng isang oras sa banyo.

Takam na takam siya sa hinog na mangga. Hindi lang siya nagsasabi pero nahalata ko siya nang laking tuwa at sumigaw ng "may mangga!". Laking gulat ko kung paano nagkaroon ng mangga sa pinamili ko. Yung patatas kong binili kahawig ng mangga!  Hindi siya nagrequest ngunit dahil available naman sa grocery store nung namalengke ako ay binilhan ko na. Pumili ako ng dalawang pirasong mangga imported galing sa Pinas worth 15 riyals. Mapapamura ka sa presyo kapag ikinonvert. Mahigit 150 pesos ang presyo ang kalahating kilo. Noong Mayo, nakabili ako sa Pinas ng 10 pesos ang isang kilo. Kung mangga ang ipinaglihian niya, malamang lalo akong mamulubi.


  Nagsimula na kaming magpagala-gala sa mga Children's and Babies Shops. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong shop dito sa Ladies Market kasi ngayon lang din ako nagkafamily status. Nakakatuwang pagmasdan ang mga damit na pambata at baby cribs. Ngunit di pa kami pwedeng bumili, masyado pang maaga. Kumbaga, canvass lang muna para sa susunod alam na namin kung ano ang bibilhin.
The Search is On. Pati ako sumali. Ano kaya ang pwedeng maging palayaw ng baby?

Wednesday, August 15, 2012

Incoming Dad (Week 15)

 Pangalawang bisita namin sa isang obygyne sa Al- Mana Hospital. Nagdala ako ng camera baka sakaling makuhanan namin ng larawan ang baby sa unang pagkakataon kapag nakatapat sa ultra sound. Nagkita ulit kami ni Dra. Ritzwana, isang Indian. "The baby is jumping.." sabi ng doktora. Kumunot ang noo ko sa kakahagilap sa monitor dahil masyadong magalaw. Di ko talaga maaninag hanggang natapos ang scanning. Di man lang nakapalag ang nakatago kong camera.Tinanong ko si misis kung naaninag niya ang baby at ang sabi niya ang puso na gumagalaw lang ang namumukhaan niya. Si doktora talaga, di na naman niya ipinaliwanag sa amin kung saan doon sa monitor ang baby. Nagmamadali kasi siya kasi daming nakapila na susunod na kostumer o baka masyado lang kaming excited na makita namin ang kalagayan ng bata.
Tinanong ko rin si doktora kung safe na ba. "Where you plan to go?" Itinanong ko kung safe na para magbiyahe at ayon sa computation niya pwede kaming magbiyahe hanggang unang linggo ng December. May mga blood test pa sana pero naunsyami dahil gabi na at kailangan pang maaprove iyon ng insurance company bago gagawin.
Medyo maayos na ang kalagayan ni Misis. Di na siya masyadong nagsusuka at nahihilo katulad noong mga nakaraang buwan. Naglalaway na lang siya dahil laway lang ang inilalabas niya kapag nasusuka siya. Hindi na siya hahalik sa inidoro dahil pwede na sa lababo. Dumadami na rin ang listahan ng mga pagkaing ayaw na niyang kainin. Ayaw na niya ng ubas at sa Skyflakes dahil nakakasawa na. Nahuhumaling siya ngayon kay Boy Bawang. Hindi pa rin bumabalik ang gana niya sa pagkain kaya tiyan ko ang lumulubo dahil tagasaid at tagaubos ng mga pagkain. Marami na nga kaming itinapon na lantang prutas at panis na tinapay at ulam dahil di ko naman kayang lantakin lahat. Puro maramihan kasi ang servings dito at mahirap bumili ng tingi tingi.
Nabreak na rin niya yung mahigit na isang buwan na di nakalabas ng bahay. Nakapunta kami sa Ladies Market para bumili ng maluluwag na damit at leggings. Ang mahirap lang dito ay wala masyadong pagpipiliin kaya medyo nakakadismaya.

Wednesday, August 1, 2012

Incoming Dad ( Week 13 )

Sabay kaming nanunuod ng mga palabas sa Youtube kung paano lumalaki ang isang bata sa sinapupunan. Nakakatuwang pagmasdan at lalo tuloy kaming naging excited sa susunod na medikal check up para makita na namin siya sa ultra sound.
Natapos na rin ang unang trimester niya, na ayon sa mga dalubhasa ay ang pinakamaselan na mga buwan para sa nagdadalantao. Ganunpaman, nag-iingat pa rin kami. Nagsusuka at nahihilo pa rin kasi siya ngunit di na kasing lala katulad noong nakaraang mga linggo.
Isang buwan na siyang hindi lumalabas ng bahay. Maliban sa napakainit na klima ay mas minabuting niyang nasa loob para makaiwas sa mga sakit na makukuha niya sa ibang tao tulad ng ubo at sipon. Hindi daw kasi pwedeng uminom ng gamot ang buntis. Isa yan sa mga natutunan ko. (kaya nagblog ako!) Napraning din ako sa katotohanan na hindi pala tamang magbilang gamit ang buwan sa pagbubuntis. Mas malinaw kapag lingguhan ang gamit sa pagtatanong.
May ipinagbago na ang katawan niya. Laging kantiyaw ang inaabot niya sa akin dahil lagi kong binibiro na nalolosyang na. Nagkacleavage na siya dahil lumaki ang boobs niya. Ganoon daw talaga kapag buntis ayon sa kabarkada niya. Mandidiri ka na lang daw at maawa sa sinapit ng dibdib nila kapag nabuntis. Unti unti na ring kumakapal ang bilbil niya hindi dahil sa katabaan kundi dahil nagkakalaman. Kumpirmado na talagang "B" for baby na ang laman ng tiyan niya. Dati kasi "B" for bulate ang naging rason kapag lumubo ang bilbil niya. Kaunti na lang mula sa dala niyang damit ang maisusuot niya. Yun ang mga damit na di pa niya naisusuot dati dahil malalaki. Kailangan na yata niyang magsuot ng maternity dress.
May nagbago na rin sa akin. Simula kasi noong nalaman ko na may paparating ay napakasarap magtrabaho. Parang nakadrugs sa sobrang stamina at nangangarap. Nakakaramdam din ng pagod pero madaling mapawi at laging nagmamadali. Hinihila ang paglubog ng araw para sa panibagong umaga. Iyon nga lang, umiiwas sa overtime dahil nga may pasyente akong naghihintay sa aking pag-uwi.

Friday, July 20, 2012

Fighting Morning Sickness

Nahihilo at nasusuka.


Lagi na na lang siyang ganito. Normal lang daw ito sabi ng mga kasamahan ko kaya walang dapat ipag-alala. Ang kaso, di ko siya matiis na araw araw ay halos hinahalikan niya ang inidoro dahil sa pagsusuka.
Lahat ng pagkain na naisuka niya ay ayaw na niyang kainin ulit tulad na lang ng Pringles at oranges na hanggang ngayon ay di pa maubos. At saka yong isang box ng salted peanuts na halos kaunti na lang ang itinira sa akin ay isinuka din niya. Kung minatamis sana e peanut butter na yon. Yong ulam din. Ang pinaghirapan mong lutuin ay isinuka lang. Nakakainis, nakakaawa at nakakatawa. Minsan kasi nakabitin pa yong isinukang kanin sa buhok niya.
Noong isang araw, humiling siya ng burger. Mula sa trabaho dumaan ako sa fast food chain para bumili ng dalawang big sized beef burger. Pagdating, hinati muna namin ang isa kasi parang di kayang ubusin. Nasa isip ko, na kapag isinuka niya ito, di na niya kakainin. Ibig sabihin, ako na ang uubos ng burger! Sarap! Ilang minuto, naubos na rin ang burger. Himala! Dahil sa tuwa, ibinigay ko na rin sa kanya ang isa para kainin niya. Burger lang pala ang katapat ng pagsusuka niya. Kaso di pwedeng laging burger. Tataas ang mga cholesterol namin at bababa ang moral ng bulsa ko.
Nabasa ko sa internet na may advantages din pala ang morning sickness para sa condition ng baby at sa delivery. Kaya parang nakakagaan ng damdamin na normal lang pala ito. Noong nakaraang linggo, panay ngumunguya ng candy at ngayon ay luya naman para maibsan ang kalagayan ng sikmura niya. Panay na rin siyang may baon na tubig at Skyflakes sa higaan. Kaya di na nakapagtataka na sa kalagitnaan ng tulog ay may katabing kumakain nang nakahiga. Nagugutom daw kasi. May ubas din na panghimagas niya. Mas mura kasi dito ang ubas kaysa sa mangga.
Naglalaway na rin siya. Panay napapaginipan at gustong gustong kainin. Ang litsong baboy at "batchoy" na wala naman dito sa lugar namin.

Wednesday, July 11, 2012

Incoming Dad ( Paglilihi)

Nadelay ang tanghalian namin. Tatapusin pa muna ang live telecast ng necrological mass ng namayapang komedyante na si Dolphy sa Manila. Kahit papaano, nakiramay at nakapagsimba kami kahit sa telebisyon man lang.
Nabubulok na mangga sa supot!
 Ilang beses nang Milo ang hinahalo niya sa kanin para ulam. Minsan kasi ayaw niya sa mga luto ko. Di na rin siya kumakain ng paborito niyang hipon. Nagalit pa nga noong bumili ako ng isang kilo. Nakalimutan ko kasi na HATE niya na pala ang hipon.Nagpabili ng alimango dahil takam na takam daw siya.Ngunit katulad din ng ibang pagkain na hinahanap, kaunti lang ang kakainin. Napilitan tuloy akong ubusin ang maraming hipon at alimango na ipinamalengke ko. Di pa naman ako mahilig sa mga ganoong pagkain. Gayunpaman, natutunan kong magluto ng hipon at alimango na ibinabad sa butter. Mag-iisip pa ako ng ibang putahe para kahit paano ay ganahan naman ako.
Walang araw na di nagsusuka. Kahit sa pagtulog, ginigising siya ng sikmura niya. At dahil doon, parang nauubos ang lakas niya. Katunayan, isang beses, nakapagbreakfast kami on bed. Di kasi siya nakabangon kinaumagahan. Salamat na lang at may mga kaibigan siyang nasa ospital at parating online sa skype. Nakahingi ng saklolo, reseta at advise.
Marami na siyang ayaw amuyin. Ayaw niya ang amoy ng prito sa kusina.Kaya nasa maximum power ang blower sa kusina para maubos kaagad ang amoy bago kami kakain. Matagal ko na ring alam na ayaw niya sa PERFUME ko. Ayos lang yon dahil minsan lang naman ginagamit! Ngayon. ayaw na rin niya sa amoy ng brand ng tooth paste at lotion na ginagamit ko. "Pasensiya na ha, maarte na talaga!". Huwag naman sanang dumating ang araw na pati ako ayaw na niyang makatabi!
Marami na rin siyang nirereklamong sakit. Sakit sa batok at likod. Marahil dahil sa kakahiga. Sa ngayon nga, sa sahig na kami humihiga. Malambot daw ang kama kaya lalo siyang nahihilo. Sinabayan ko na rin kaysa naman magsosolo siya sa lapag. Nagrereklamo din siya na  malamig ang aircon at kapag inadjust naman ay naiinitan.
Naiintindihan ko naman kaya di ako nagrereklamo.

Wednesday, June 27, 2012

Incoming Dad ( Two Months)

Tuwang tuwa kami nang malaman na namumuo na siya! "Yeah, forming", sabay tagilid ng ulo ng Indian ob-gynecologist ng ospital. Ito ang una naming consultation sa isang family clinic. Di pa niya masyadong maipaliwanag ang kalagayan ng baby, masyado pa kasing maliit. Nahirapan nga siya sa paghahanap gamit ng ultrasound. Six to seven weeks pa lang kasi.

Naaawa ako sa kalagayan ng asawa. Di pa kasi bumabalik ang panlasa niya sa pagkain. Alok ako nang alok ng mga pagkain sa kanya kaya naiinis kung minsan dahil wala nga siyang gana. Pinipilit niya na lang ang sarili na kumain kahit na kaunti dahil nga may umaasa sa kanya. Nag-umpisa na akong bumili ng folic acid at gatas para sa buntis. Naghahanap ng Anmum, e kaso wala naman dito kaya ibang brand ang nabili.
Bawat araw nasusuka at nahihilo ngunit pinipilit pa rin niya na magluto tuwing umaga para sa agahan ko. Di rin yata epektibo ang gamot na nireseta ng doktor para sa pagsusuka niya. Mas gusto niya ang laging nakahiga dahil di niya naiintindihan ang nararamdaman niya. Lagi niyang kinokontak ang nanay at mga kaibigan niyang babae para makahingi ng payo pero talagang normal ang nararamdaman niya para sa isang nagdadalantao.
Kahapon, naghahanap siya ng maasim kaya sinipsip niya ang bote ng sukang Datu Puti sa kusina. Akala ko psychological lang yong sinasabing paglilihi. Naghahanap ng mangga, chicharon, spaghetti at palabok. Yun daw ang walang gana pero ang daming pagkaing hinahanap! Kaya sinuyod at naghanap sa mga groceries ng hilaw na mangga at chicharon. Yon lang muna dahil alam ko hanggang tingin lang yon. Katunayan, isa lang yong nakain niyang mangga sa anim na pirasong nabili ko. Yong iba yata, papahinugin na lang. Yung chicharon nga nasa plastic pa, di man lang ginalaw.

Wednesday, June 13, 2012

Dependent News on Independence

Positive!  A laboratory test from a blood sample confirmed that it's positive.


 "Congratulations!"

Med Technologist of Al-Lulu Dispensary, Fanateer.

Saturday, June 9, 2012

In the Sand

After transporting our belongings from Perez street to BANGPAT, here we are again. We have a new start on the third floor of the building. From the window, you will see the mosque, a McDonald's symbol tower, and satellite discs of other buildings. A walking distance from Pizza Hut, Domino's Pizza, Herfy, Arabian Fried Chicken, Filipino Restaurants and grocery stores.

Jubail, Saudi Arabia


Thursday, June 7, 2012

Saturday, May 12, 2012

Moving to Our Home

BANGPAT is waiting, the small hut that we built. We'll miss the every corner of this apartment in Perez street of Kidapawan city. This is our first home for a year after our wedding.


Huling pagsilip sa bintana.

Our version of Philippine "bahay kubo" named from the places that we have visited. Floor, walls, and ceiling were made of bamboo. Galvanized roof was used to survive from the country's raining season.

Modern "Bahay Kubo"