Thursday, December 12, 2013

Kajlil's Attitude on First Vacation

Sanay si baby na kaming tatlo lang ng mommy niya ang magkakasama. Kaya nag-aalala kami na baka maninibago at matatakot si baby sa mga taong makakasalamuha namin sa aming pagbabakasyon sa Pinas.

Isang linggo pa lang bago ng aming biyahe ay sinasabi na namin kay baby na kami ay magbabakasyon sa Pinas. Alam namin, di pa siya nakakaintindi pero wala naman sigurong masama sa ginagawa naming ito. Sana ay maging masunurin siya. Sana ay maging behave siya sa biyahe. Na sana ay huwag siyang umiyak sa eroplano at makadisturbo sa ibang pasahero. At sana ay huwag siyang matakot kapag kaharap na namin ang aming mga kapamilya.
Legs up and relax at Dammam Airport, Saudi Arabia
Tahimik at hindi kumikibo. Iyan ang kanyang ugali sa tuwing kami ay lumabas ng apartment. Iyan din ang kanyang ugali habang binabagtas namin ang highway papuntang airport. At kahit sa Dammam airport ay hindi din siya masyadong kumikibo. Siguro ay inoobserbahan niya lang ang paligid.

Isang oras bago ang departure, ay nagsimula na siya na maging makulit. Natutuwa kasi siya kapag nakikita niya ang reflection niya sa salamin. Sa airport, salamin ang dingding kaya makikita mo ang sarili lalo na sa gabi. Kaya hayun na. Naglalaro na. Hinihimas ang reflection sa dingding.
Baby on the wall!
Sa aming paglipad, mula Dammam hanggang Manila, ay hindi kami ipinahiya ni baby. Sa lahat ng bata, siya na yata yung pinakanatuwa dahil laging nakatawa. Panay din ang lingon niya sa likurang upuan dahil may isang pasahero na nilalaro siya. Maliban na lang sa naninigas ang katawan niya sa tuwing nagdedescend ang eroplano kapag malakas ang turbulence, ay wala na kaming ibang nakitang problema sa kanya. Isang beses lang siyang umiyak dahil gusto niyang dumapa kapag matulog. Medyo may kasikipan kasi ang eroplano ng PAL kaya mahirap magbago ng posisyon.

Sa aming connecting flight pauwi ng probinsiya ay wala kaming kaproble problema. Dahil natulog lang siya sa buong halos dalawang oras na biyahe papuntang Davao. Nagising lamang siya nang nagsitayuan na ang mga pasahero para lumabas ng eroplano. Siya rin ay excited lumabas!

Ang pakikipagkita namin sa aming mga kapamilya ay naging sorpresa para sa kanila. Tulad namin, iniexpect din nila na magiging matatakutin, iyakin at laging magpapakarga si baby. Ngunit kabaligtaran ang lahat!
Ready smile! with sosha (tita)
Naging positive ang feedback ng mga kapamilya kay baby. Always smiling kahit sa konting pangungulit. Hindi iyakin. Kahit sino basta gusto siyang kargahin ay sumasama. Ilang beses namin siyang iniwanan sa kanyang mga tita dahil may inasikaso kaming pareho ng mommy niya, ay hindi man lang siya naghanap ng magulang.
Having fun with cousins, twin Seri and Adi.
Good job daw si baby ang sabi ng mommy niya sa una niyang bakasyon.

Monday, December 2, 2013

Baby's Curiosity

My baby turns to a little boy.
At nine months, his commando crawl is improving. He already started lifting his whole body when he's in bed with soft pillows.


He like sodas but he's too young to take that colorful drinks. For he saw me drinking direct from can. It seems he already know how to do it. It's an empty Pepsi can!


He loves watching television. We're always fighting with him to catch his attention. As solution, we're keeping the remote control and switching off the screen.


We can't leave him or even away from our sight. He's trying tricks on his walker. Stunts are dangerous for children.


He explores everything. His curiosity is telling him to learn something.