Isang taon at sampung buwan, sinasabayan ni Kajlil ang ABC song na kinakanta ng kanyang laruan. Hindi malinaw ang bigkas niya sa mga letra ngunit hindi naman ito kalayuan sa tunog. Malaking tulong ang paulit-ulit niya nang panunuod sa nursery at children songs sa Youtube. Nagulat na nga lang kami nang minsan tinuturo niya at binibigkas ang mga letra sa Alphabet Chart.
Sa aming pagbakasyon sa Pinas, dala namin ang pag-aalala na baka mapahiya lang kami. Kahit alam na niya ang alphabet song, ay di pa rin siya nakakapagsalita nang mahaba. May sinasambit siya sa tuwing nagagalit o umiiyak pero hindi namin ito maintindihan. Alam namin, matututo din siya sa tamang panahon.
"S" at "M". Sambit niya nang napadaan kami sa isang malaking department store. Malaki at may ilaw kasi ang mga letra na matatanaw sa kalayuan at kahit gabi na. Tuwang tuwa kami na sa tuwing may nadadaanan kaming karatula, pangalan ng tindahan o mga billboards ay may nasasambit siyang mga letra. Isang indikasyon na may natutunan siya, hindi lamang ang kumanta kundi ang mismong anyo at hugis ng mga malalaking titik.
Sinubukan naming iguhit ang mga letra sa lupa para makasiguro at kumpirmado ngang kilala niya ang mga malalaking letra mula A hanggang Z. Kilala na rin niya ang ibang mga numero dahil sa kakalaro niya ng Number Game na matatagpuan sa tablet ni Misis. Iba na talaga ang mga kabataan sa ngayon. Dahil sa mga makabagong kagamitan, napaaga at napalawak ang kanilang kaalaman.
Hindi kami ipinahiya ni Kajlil sa aming mga kamag-anak. At dahil mananatili siya sa Pilipinas ng ilang buwan ay mas marami pa siyang matutunan.
Sunday, December 28, 2014
Thursday, October 16, 2014
Balik-Normal
Unti-unting nanumbalik ang sigla at ngiti ng anak namin.
Isang buwan na rin ang nakalipas mula ng kanyang operasyon. Animo'y parang panaginip lang. Parang nagising na lamang kami na naging maayos ang lahat at napagtagumpayan namin ang pagsubok na dumating sa aming pamilya.
Maraming salamat sa lahat! Sa suporta at panalangin.
Sa ngayon, napakaaktibo na niya. Nagagawa na niya ang mga dati niyang aktibidad. Naglalaro, sumasayaw, at nakikisabay sa kantahan (kahit hindi siya maintindihan).

Monday, September 15, 2014
A Bad Dream Part 4
Kaya namin ito!
Medyo masakit sa pakiramdam ng isang magulang na isasalang ang maliit pang anak sa isang operasyon. Kung maari lang sanang akuin namin ang pagkakasakit niya ay malamang ginawa na namin.
Behave siya. Wala siyang kibo noong pinahiga namin sa higaan na may gulong habang tulak ng nurse papuntang operating room. Sa pintuan, saglit kaming nagpaalam. At sa pagsara nito ay siya namang paglabas ng mga luha namin. "Take care of our baby", huling salita ni Misis sa anaesthesiologist na saglit na lumabas para magtanong kung wala bang allergy ang bata sa mga gamot.
Naghihintay kami sa labas ng Operating Room. Kung ilang oras man ang gagawing operasyon, handa kaming maghintay. Naging kalmado na rin ang aming mga damdamin at ipinagkatiwala namin ang anak namin sa kakayahan ng mga doktor.
Pagkatapos ng isang oras, bumukas ang pintuan ng kuwarto at gusto raw kaming kausapin ng doktor. Kinabahan kami habang papalapit sa pintuan. Ang mga mata namin ay lumulusot at hinahanap ang anak sa loob. "Don't worry, he is very ok. " Ipinaliwanag ng doktor sa amin na hindi pala pagpilipit ng bituka ang nangyari kundi ang tinatawag nila na "intussusception". Kailangan itong putulin. Sinabi ng doktor ang mga gagawin nilang proseso at ito'y sinang-ayunan namin. At higit sa lahat, huwag daw kaming mag-aalala dahil ang anak namin ay napakakalmado at sobrang mabait.
Pasado alas tres ng madaling araw nang bumukas ang pintuan ng recovery room. Tapos na ang operasyon ng bata. Ibinalot ng plastic ang mga paa namin at nakasuot ng hospital gown para makapasok sa loob. Nakangiting pinuntahan ang higaan kung saan naroon si Kajlil. Nanginginig siya at may sinasambit. Gising daw siya pero nakapikit ang mga mata.
Ilang minuto lang at inilabas na si Kajlil sa recovery room. Gising nga siya dahil bumabangon kapag nakikita niya kaming mga magulang niya. Sa Pediatric Intensive Care Unit (PICU), oobserbahan ang bata ng 24 oras. Pinatulog muna siya bago kami umalis ng PICU at bumalik sa Patient's Room para rin makapagpahinga.
Mahigit dalawang oras na tulog, ginising ko si Misis para bisitahin ulit si Kajlil sa PICU. Bumangon pa ang bata nang magising at nakita kami. Mahina pa siya pero nagagawa na niyang bumangon. Pinigilan at muli siyang pinahiga para patulugin. Ayon sa mga nurses, paminsan-minsan nagigising ang bata na parang may hinahanap. "Sleep again, mommy and daddy will come back". Iyon lang daw ang sinasabi ng mga nurses at matutulog ulit ang bata. Bumalik ulit kami sa kuwarto at iniwan siyang mahimbing na natutulog..
Alas onse ng umaga, nagising akong tumutunog ang telepono. Matagal na siguro itong tumatawag dahil naibaba na ito ng damputin ko. Ilang minuto ay pumasok ang nurse ng PICU sa kuwarto. "Your baby is crying". Pinuntahan kaagad namin ang PICU. Gising na nga ang bata. Nang kami'y kanyang nakita, kami ay kaagad niyang nakilala. Tumataas ang kanyang mga kamay para magpakarga. Sakto lang na nandoon din si Doctor Hafeez kaya inalalayan si Misis para ito ay kanyang makarga. Noong una, natatakot kami kung paano bubuhatin ang batang may operasyon sa tiyan.
Hindi na kami lumabas pa ng PICU dahil inubos na lang ang huling bote ng gamot na ikinakabit sa kanya. Lampas ala una nang inilabas namin si Kajlil sa PICU ayon na rin sa bilin ng doktor. Maayos ang kanyang kalagayan kaya maaga siyang inilipat sa kuwarto.
AGH Khobar Operating Room waiting area |
Behave siya. Wala siyang kibo noong pinahiga namin sa higaan na may gulong habang tulak ng nurse papuntang operating room. Sa pintuan, saglit kaming nagpaalam. At sa pagsara nito ay siya namang paglabas ng mga luha namin. "Take care of our baby", huling salita ni Misis sa anaesthesiologist na saglit na lumabas para magtanong kung wala bang allergy ang bata sa mga gamot.
Naghihintay kami sa labas ng Operating Room. Kung ilang oras man ang gagawing operasyon, handa kaming maghintay. Naging kalmado na rin ang aming mga damdamin at ipinagkatiwala namin ang anak namin sa kakayahan ng mga doktor.
Pagkatapos ng isang oras, bumukas ang pintuan ng kuwarto at gusto raw kaming kausapin ng doktor. Kinabahan kami habang papalapit sa pintuan. Ang mga mata namin ay lumulusot at hinahanap ang anak sa loob. "Don't worry, he is very ok. " Ipinaliwanag ng doktor sa amin na hindi pala pagpilipit ng bituka ang nangyari kundi ang tinatawag nila na "intussusception". Kailangan itong putulin. Sinabi ng doktor ang mga gagawin nilang proseso at ito'y sinang-ayunan namin. At higit sa lahat, huwag daw kaming mag-aalala dahil ang anak namin ay napakakalmado at sobrang mabait.
After the operation |
Ilang minuto lang at inilabas na si Kajlil sa recovery room. Gising nga siya dahil bumabangon kapag nakikita niya kaming mga magulang niya. Sa Pediatric Intensive Care Unit (PICU), oobserbahan ang bata ng 24 oras. Pinatulog muna siya bago kami umalis ng PICU at bumalik sa Patient's Room para rin makapagpahinga.
PICU - under observation for 24 hours |
Alas onse ng umaga, nagising akong tumutunog ang telepono. Matagal na siguro itong tumatawag dahil naibaba na ito ng damputin ko. Ilang minuto ay pumasok ang nurse ng PICU sa kuwarto. "Your baby is crying". Pinuntahan kaagad namin ang PICU. Gising na nga ang bata. Nang kami'y kanyang nakita, kami ay kaagad niyang nakilala. Tumataas ang kanyang mga kamay para magpakarga. Sakto lang na nandoon din si Doctor Hafeez kaya inalalayan si Misis para ito ay kanyang makarga. Noong una, natatakot kami kung paano bubuhatin ang batang may operasyon sa tiyan.
In the patient's room |
Sunday, September 14, 2014
A Bad Dream Part 3
Ikatlong araw namin sa hospital. Masyadong mabigat ang araw para sa amin na nakikitang may karamdaman ang anak. Salitan kami ng iyak ni Misis, gayong alam namin na hindi nakakatulong iyon.
"Kajlil, lets go!". Hindi niya maibangon dati ang kanyang ulo ngunit bigla niya itong naiangat at siya'y kinarga ni Misis. Parang milagro na kumakaway ang bata habang sumasara ang pintuan ng elevator ng hospital. "Mamimiss ka namin. Magpagaling ka". Ang mga nurses sa hospital, nagpapaalam.
Lilipat kami ng hospital. Aalis kami papuntang Al-Khobar, isang oras pa ang biyahe. Hindi kayang operahan ng general surgeon ng hospital ang anak namin. Kailangan namin ay isang espesyalista. Pinagsabihan na kami tanghali pa lang subalit matagal pala ang proseso nito. Una, kailangang aprubahan ng surgeon at hospital na paglipatan. Kapag walang bakanteng kuwarto ang hospital, di maaring maglipat. At pangalawa, may health insurance pa na kailangan ding mag-aprub para sa bill ng paglabas namin at sa gagamiting ambulansiya. Alas otso ng gabi na kami nakaalis.
Sakay ng ambulansiya, binaybay namin ang daan papuntang Al-Khobar. Kasama namin sa biyahe ang isang nurse at isang doktor. Hindi kami kabado. Nakikita kasi namin na naging malakas ang bata at hindi na nagsuka. Pinapanalangin na sana ay hindi na siya kailangang operahan. Sana, nawala na ang bara sa bituka niya. Sana, totoo na may milagro..
Dumating kami ng hospital pasado alas nuwebe ng gabi. Ang kasiglahang ipinakita ng bata ay pansamantala lang pala. Naging matamlay ulit siya at nasusuka. Ilang minuto lang ay dumating na rin si Dr. Hafeez, ang pediatric surgeon na titingin sa bata. Alam na niya ang kaso dahil nakikipagkontak sa kanya si Doctor Bashri, ang doktor sa hospital na pinanggalingan namin.
Naicheck si Kajlil ng doktor. Nagmamadali siyang pumunta sa nurse station, may kinausap. Sinabayan kami ng doktor na magpa X-ray ulit. Sa X-ray room, nasalubong namin ang isa pang lalaki at ipinakilala sa amin. Siya daw ay isang anesthesiologist. Hindi sila umalis sa X-ray Room. Binasa na kaagad ng surgeon ang resulta sa monitor at hindi na hinintay ang film.
"Your baby need an operation". Magkapareho ang resulta ng X-ray dito at sa hospital na pinanggalingan namin. "When will be the operation doc?", tanong namin. "Tomorrow morning", sagot ng doktor. Tiningnan ko ang relo, pasado alas onse. "We should make it earlier to avoid any complications."
Pinabalik kami sa kuwarto para daw makapagrelax. Naghanda rin ako dahil uuwi pa ako ng Jubail. Babalik na lang ako kinaumagahan bago ang gagawing operasyon. Tulad ng ibang hospital, iisang guardian lang ang puwedeng makasama ng batang pasyente. Binalikan namin ang doktor na abala sa nurse station. "Doc, what time is the operation tomorrow?"
"After 45 minutes", sagot ng doktor. Nagulat kami. Kaya pala pinapagalitan ng doktor ang mga nurses sa station dahil minamadali ang lahat. Pinapahanda ang Operating Room, ang antibiotics, ang dugong isasalin kung kakailanganin, at marami pang bagay na hindi namin masyadong maintindihan. Nakiusap din kami kung puwede akong manatili sa hospital. Ayaw sana pero napapayag din siya. Si Misis kasi ang nakikiusap.
Sa pagkakataong iyon, nagiging malinaw sa pag-iisip namin na ang mangyayari ay kailangan naming pagdaanan. Pilit naming pinapaniwala ang mga sarili namin na maaayos din ang lahat. Pilit naming pinapakalma ang mga sarili namin.
"Kajlil, lets go!". Hindi niya maibangon dati ang kanyang ulo ngunit bigla niya itong naiangat at siya'y kinarga ni Misis. Parang milagro na kumakaway ang bata habang sumasara ang pintuan ng elevator ng hospital. "Mamimiss ka namin. Magpagaling ka". Ang mga nurses sa hospital, nagpapaalam.
Lilipat kami ng hospital. Aalis kami papuntang Al-Khobar, isang oras pa ang biyahe. Hindi kayang operahan ng general surgeon ng hospital ang anak namin. Kailangan namin ay isang espesyalista. Pinagsabihan na kami tanghali pa lang subalit matagal pala ang proseso nito. Una, kailangang aprubahan ng surgeon at hospital na paglipatan. Kapag walang bakanteng kuwarto ang hospital, di maaring maglipat. At pangalawa, may health insurance pa na kailangan ding mag-aprub para sa bill ng paglabas namin at sa gagamiting ambulansiya. Alas otso ng gabi na kami nakaalis.
Sa loob ng ambulansiya si Kajlil. |
Dumating kami ng hospital pasado alas nuwebe ng gabi. Ang kasiglahang ipinakita ng bata ay pansamantala lang pala. Naging matamlay ulit siya at nasusuka. Ilang minuto lang ay dumating na rin si Dr. Hafeez, ang pediatric surgeon na titingin sa bata. Alam na niya ang kaso dahil nakikipagkontak sa kanya si Doctor Bashri, ang doktor sa hospital na pinanggalingan namin.
Naicheck si Kajlil ng doktor. Nagmamadali siyang pumunta sa nurse station, may kinausap. Sinabayan kami ng doktor na magpa X-ray ulit. Sa X-ray room, nasalubong namin ang isa pang lalaki at ipinakilala sa amin. Siya daw ay isang anesthesiologist. Hindi sila umalis sa X-ray Room. Binasa na kaagad ng surgeon ang resulta sa monitor at hindi na hinintay ang film.
"Your baby need an operation". Magkapareho ang resulta ng X-ray dito at sa hospital na pinanggalingan namin. "When will be the operation doc?", tanong namin. "Tomorrow morning", sagot ng doktor. Tiningnan ko ang relo, pasado alas onse. "We should make it earlier to avoid any complications."
Pinabalik kami sa kuwarto para daw makapagrelax. Naghanda rin ako dahil uuwi pa ako ng Jubail. Babalik na lang ako kinaumagahan bago ang gagawing operasyon. Tulad ng ibang hospital, iisang guardian lang ang puwedeng makasama ng batang pasyente. Binalikan namin ang doktor na abala sa nurse station. "Doc, what time is the operation tomorrow?"
"After 45 minutes", sagot ng doktor. Nagulat kami. Kaya pala pinapagalitan ng doktor ang mga nurses sa station dahil minamadali ang lahat. Pinapahanda ang Operating Room, ang antibiotics, ang dugong isasalin kung kakailanganin, at marami pang bagay na hindi namin masyadong maintindihan. Nakiusap din kami kung puwede akong manatili sa hospital. Ayaw sana pero napapayag din siya. Si Misis kasi ang nakikiusap.
Ilang minuto bago ang operation. |
Saturday, September 13, 2014
A Bad Dream Part 2
Mula sa ordinaryong gatas na lumalabas sa bibig na Kajlil, nagkakaroon na ito ng kulay. Ito'y naging dilaw at kinaumagahan ay naging kulay berde na ito.
Ang pagbabago ng kulay ang nagpaalarma sa pediatrics ward ng hospital. Kinuhanan ng X-ray ang bata kahit madaling araw pa lang. Walang sinabi ang doktor na nakaduty basta ayon sa kanya, ikokonsulta niya muna ito sa mga nakakataas sa kanya.
Dumami ang doktor na bumibisita sa kuwarto. Mula sa mga ordinaryong pediatrician, may mga especialista, at mga surgeon. Nanghihina pa lalo si Kajlil dahil patuloy pa rin ang pagsusuka niya ng mabaho at kulay berdeng likido. Lumalaki rin ang kanyang tiyan.
Tumulo ang luha naming mag-asawa habang tinititigan ang kalagayan ng dati ay napaaktibo naming bata. Non-responsive siya. Sa sobrang hina niya ay kahit ang pag-iyak ay di niya kaya.
Isa pang test ang pinagdaanan ni Kajlil. Sinilip ang kanyang tiyan gamit ang ultra sound. At base sa inisyal na pahayag ng nag-eeksamin, may "intestinal obstruction" ang nasa bituka ng bata.
"Kuya, ate, nandito po si doktor.." Ganito dito sa Saudi. Laging pinapaunahan ng nurse ang nasa loob ng kuwarto bago pumasok ang doktor lalo na kapag ito ay lalake. Para kasi makapaghanda ang mga babae at makasuot ng abaya. "Si Doctor Rommel po,". Isang Pinoy pediatrician.
Alam namin may sasabihin ang doktor at mabuti na rin ito na kapwa Pilipino para maliwanagan kami kung bakit nagkaganito ang kalagayan ng anak namin.
"Noong dumating kayo dito nung Friday, dehydrated na ang anak niyo kaya nanghihina. At iyon ay nagawan natin ng paraan. Gumaling na siya, nakita niyo naman", pasiunang salita mula sa doktor.
"Kung bakit kayo nandito pa rin ay dahil inoobserbahan naming maigi ang anak ninyo. Patuloy pa rin kasi ang pagsusuka niya. Hindi naman kami basta basta magbibigay ng gamot nang hindi pa namin alam ang tunay na sakit niya. Matagal siya dahil iyan ang tamang proseso...
Ayon sa resulta ng test na ginawa sa kanya ay may nagbara sa kanyang bituka. Walang foreign object pero ang duda namin ay nagkaroon ng twist sa bituka niya. Minsan, pumilipit ang bituka kaya naging makipot ang daluyan nito. Kapag nagtwist ang bituka, kailangan itong ayusin sa pamamagitan ng operasyon. At kapag hindi naman, kailangan pa ring buksan ang tiyan niya para masuri kung bakit may pagbabara. Sa madaling salita, kailangan niyang dumaan sa operasyon....
Sinasabi ko ito sa inyo para makapaghanda kayo."Iyon na lang ang huling mga salita na natandaan namin sa mahabang pahayag ng doktor. Tuluyang nangilid ang mga luha sa mga mata namin.
Ang pagbabago ng kulay ang nagpaalarma sa pediatrics ward ng hospital. Kinuhanan ng X-ray ang bata kahit madaling araw pa lang. Walang sinabi ang doktor na nakaduty basta ayon sa kanya, ikokonsulta niya muna ito sa mga nakakataas sa kanya.
Dumami ang doktor na bumibisita sa kuwarto. Mula sa mga ordinaryong pediatrician, may mga especialista, at mga surgeon. Nanghihina pa lalo si Kajlil dahil patuloy pa rin ang pagsusuka niya ng mabaho at kulay berdeng likido. Lumalaki rin ang kanyang tiyan.
Tumulo ang luha naming mag-asawa habang tinititigan ang kalagayan ng dati ay napaaktibo naming bata. Non-responsive siya. Sa sobrang hina niya ay kahit ang pag-iyak ay di niya kaya.
Ito na ang lumalabas sa bibig ng bata. |
"Kuya, ate, nandito po si doktor.." Ganito dito sa Saudi. Laging pinapaunahan ng nurse ang nasa loob ng kuwarto bago pumasok ang doktor lalo na kapag ito ay lalake. Para kasi makapaghanda ang mga babae at makasuot ng abaya. "Si Doctor Rommel po,". Isang Pinoy pediatrician.
Alam namin may sasabihin ang doktor at mabuti na rin ito na kapwa Pilipino para maliwanagan kami kung bakit nagkaganito ang kalagayan ng anak namin.
"Noong dumating kayo dito nung Friday, dehydrated na ang anak niyo kaya nanghihina. At iyon ay nagawan natin ng paraan. Gumaling na siya, nakita niyo naman", pasiunang salita mula sa doktor.
"Kung bakit kayo nandito pa rin ay dahil inoobserbahan naming maigi ang anak ninyo. Patuloy pa rin kasi ang pagsusuka niya. Hindi naman kami basta basta magbibigay ng gamot nang hindi pa namin alam ang tunay na sakit niya. Matagal siya dahil iyan ang tamang proseso...
Ayon sa resulta ng test na ginawa sa kanya ay may nagbara sa kanyang bituka. Walang foreign object pero ang duda namin ay nagkaroon ng twist sa bituka niya. Minsan, pumilipit ang bituka kaya naging makipot ang daluyan nito. Kapag nagtwist ang bituka, kailangan itong ayusin sa pamamagitan ng operasyon. At kapag hindi naman, kailangan pa ring buksan ang tiyan niya para masuri kung bakit may pagbabara. Sa madaling salita, kailangan niyang dumaan sa operasyon....
Sinasabi ko ito sa inyo para makapaghanda kayo."Iyon na lang ang huling mga salita na natandaan namin sa mahabang pahayag ng doktor. Tuluyang nangilid ang mga luha sa mga mata namin.
Friday, September 12, 2014
A Bad Dream Part 1
Tanghali. Nagising ako na nanghihina si Kajlil. Karga siya si Misis na tatlong oras na palang nagsusuka. Namumutla na ang kanyang mga labi at nanlalambot ang kanyang mga kalamnan dahil sa pagsusuka.
Hindi siya umiiyak. Parang wala ding masakit sa kanya. At kapag lumalapit ako, tumataas ang kanyang mga kamay, hudyat na nagpapakarga siya.
Pinahanda ko si Misis para pumunta kami ng hospital. Duda namin na may nasubong bagay si Kajlil na hindi napansin ni Misis.
Sa emergency ng Al-Mana Hospital dito sa Jubail, naicheck ang kanyang vital signs at sobrang dehydrated na si Kajlil ayon sa doktor. Pinatawag ang resident pediatrician para matingnan ang kalagayan ng bata.
"He should be admitted. It looks like food poisoning", ayon sa unang deskripyon ng doktor.
Sa mga tusok ng karayon na dumaan sa kanya, wala kaming narinig na iyak mula sa kanya. "He will be okay", ito ang panigurado ng doktor. Kinuhanan siya ng dugo para maeksamin kung may problema sa katawan niya. Binigyan din siya ng gamot para tumigil ang pagsusuka niya.
Ilang oras ang lumipas, nakitaan na umaayos ang kalagayan ni Kajlil. Nagsusuka pa rin siya pero hindi na siya mahina. Nagawa niyang maglakad-lakad sa hallway ng hospital. Muling bumabalik ang kulay ng kanyang labi.
Patuloy pa rin ang pagsusuka ni Kajlil taliwas sa epekto ng gamot na ibinigay ng doktor. Wala siyang lagnat. Normal din ang mga laboratory tests na ginawa sa kanya. Hindi siya nalason. Sa bawat pagsusuka niya, nanghihina siya at lagi na lang siyang nakahiga.
Kinabukasan, nagpalit ng kuwarto ang aking mag-ina. Pinauwi kasi ako dahil isang tagabantay lang ng bata ang puwedeng manatili sa ospital. Isa iyan sa batas ng hospital dito sa Saudi na sana ay baguhin. Naligo kasi sa suka si Misis at ang mga sapin sa kuwarto.
Ganoon pa rin, inoobserbahan pa rin si Kajlil. Halos nakita na namin ang mga nakaduty na mga pediatricians sa Al-Mana Hospital. Patuloy pa rin ito sa pagsusuka. Wala itong kinakain at ang dextrose lang na nakakabit sa kanya ang tanging pinanggagalingan niya ng sustansiya.

Sunday, August 24, 2014
He Speaks
"Be", ang salita na madalas nabibigkas.
Be sa tuwing napapanood ang The Singing Be,
Ang TBe Patrol
At ang Kris TBe.
Isang taon at kalahati na si Kajlil, iilang salita pa lang ang naririnig namin mula sa kanya. Hindi pa ito klaro at hindi maintindihan. Kahit ang salitang "mami" ay madalang lang bigkasin. (Madalas "dadi" ang sinasambit niya). Ibinahagi din namin ito sa ibang mga magulang kung ito ba ay normal. Ngunit naisip din namin na marahil huli siyang magsalita dahil kulang ito sa interaksyon sa kapwa niya bata. Walang kalaro at nag-iisa lamang. Kaming mga magulang niya ang palaging kalaro.
Isa pang dahilan ay nandito kami sa Saudi. Hindi kami masyadong nakakalabas lalo na ngayon na napakatindi ang init ng panahon. Lagi na lang nakakulong sa apartment. Laging TV ang pinapanuod at ang paulit-ulit na Hooplakidz nursery song sa computer.
Noong nakaraang linggo, nabigkas niya ng buo at nakilala ang "egg", "orange" at "apple". Akala nga namin ay baka nagkataon lang. Ngunit kahit anong paikot ang gawin namin, nanatiling kilala niya ang tatlo. Masaya kami, kahit paano may pagbabago sa kanya.
Marami pang salita ang aming aabangan. Masyado lang siguro kaming excited kaya nag-aalala.
Thursday, June 26, 2014
Walang Burger sa Mcdo
Hindi pa niya kilala ang McDonald. Mas lalong hindi niya kilala ang Jollibee. Ang tanging nalalaman niya lang, sa tuwing binibisita namin ang lugar na ito, ay ang palaruan.
Binasag namin ang safety rules ng palaruan na ito. Pinasok na kasi ito ni Kajlil. Hanggang unang level pa lamang siya dahil hindi pa niya kayang akyatin ang pangalawang palapag.
Nagiging child-friendly at attractive sa mga bata ang ganitong klase ng establishment dahil sa mga palaruan, mascots, at mga pagkain na kinasasabikan ng mga bata. Pero sa mga batang nagsisimula pa lang matuto, tanging ang palaruan lang ang paulit-ulit na itinuturo kahit alukin pa ng sangkaterbang sundae, burger, at fries.

Kajlil at 11 months. Gumagapang pa lang kaya hanggang sa sahig lang. |
Kajlil at one year and four months. |
Nagiging child-friendly at attractive sa mga bata ang ganitong klase ng establishment dahil sa mga palaruan, mascots, at mga pagkain na kinasasabikan ng mga bata. Pero sa mga batang nagsisimula pa lang matuto, tanging ang palaruan lang ang paulit-ulit na itinuturo kahit alukin pa ng sangkaterbang sundae, burger, at fries.
Monday, May 12, 2014
Wednesday, May 7, 2014
Visit to Bahrain 2
Ang ilan sa mga larawan na nakunan sa pamamasyal namin sa Bahrain.
Tuwang-tuwa ang bata sa mga nakita. Nakipaghabulan sa mga ibon, nakisalamuha sa ibang kabataan. at hindi natakot sa loob ng museum.
At syempre kami rin. Dahil mas masaya kami kapag nakikita namin siyang nakatawa.
(Photos taken at Novotel Resort and Bahrain National Museum)

Sunday, May 4, 2014
Visit to Bahrain 1
Tinanong ko si Misis kung bakit dalawang trolley bag ang aming bagahe papuntang Bahrain samantalang ilang araw lang kami doon. Ito ang sagot niya, "Hindi mo puwedeng gawing backpacker si Kajlil!"
Ang dami naming dala. Nandiyan ang mga feeding bottles, diapers, ilang set ng damit niya, sterilizer na sobrang laki ng space ang nakuha sa bag, bote ng tubig, at mga abubot tulad ng lotion, wipes, at marami pang iba.
Hindi na pala ito isang ordinaryong biyahe. Hindi na maaring masunod ang gustong itinerary. May iisipin nang kapakanan ng bata.
Maliban sa Pilipinas, ito ang unang bakasyon niya sa ibang bansa. Ewan ko lang kung matatandaan niya ito. Ang mahalaga, masaya siya. Ang lakas ng tawa niya habang tumatakbo sa malawak na damuhan. Pati tuloy ang ibang tao, nakakahalata. Madalang lang kasing lumabas ng bahay sa Saudi.
Gumala kami, hindi dahil sa gusto namin. Lumalabas kami para lumawak ang kaalaman niya.
(photos taken at Holiday Villa Bahrain Hotel,The Dolphin Resort, and Bahrain Marina Amusement Park)

Sunday, April 20, 2014
Appetizer at Steak House
Tropical Teas....
Mushroom and Broccoli Soup...
And the muffins inside the paper bag.... for take out.
Steak House, Royal Commission, Saudi Arabia.
Monday, April 7, 2014
Gaya-Gaya
Kasagsagan ng kanyang kakulitan at panggagaya..
Delikado ang lahat ng bagay na maliliit, matutulis at papel. Lahat ng bagay ay isusubo, ngunit hindi lahat ng pagkain ay isinusubo.
Ang mga napapnuod sa telibisyon ay ginagaya. Dance steps, kanta, at kahit ang emosyonal na bahagi ng akting sa teleserye ay ginagaya.
Pinapanuod niya rin kaming matatanda kapag nagsesepilyo ng ngipin. Kaya ngayon may sarili na rin siyang toothbrush at tooth paste. Wala pa munang tubig.
Huli ka! Ubos ang tissue... |
A learning book from Leapfrog.. |
Pinapanuod niya rin kaming matatanda kapag nagsesepilyo ng ngipin. Kaya ngayon may sarili na rin siyang toothbrush at tooth paste. Wala pa munang tubig.
Epic Failed! |
Sunday, March 9, 2014
Tatlong Araw
Pagkatapos ng kanyang kaarawan.
Unang araw. Umaga, nagising si Misis na umiiyak si baby. Kinakabahan dahil wala na ito sa kanyang tabi.
Nahulog na pala ito sa kama. Nauna kasing nagising at mahimbing pa ang mommy niya. Gusto nang bumaba at ayaw makadisturbo sa tulog ng iba. Pasalamat na lang at matigas na ang kanyang mga buto at hindi nabalian.
Pangalawang araw. Indikasyon na hindi na ligtas para sa amin ang matulog sa ibabaw ng kama. Napagdesisyunan namin na ilipat ang kutson na bahagi ng kama sa sahig at doon na kami matulog. At kung sakaling maunang magising si baby, hindi na ito masyadong mataas dahil abot na ng kanyang mga paa ang sahig.
Ikatlong araw. Naglakad na ng diretso si baby. Tuwang-tuwa kami sa mga oras na iyon dahil pareho naming nasaksihan ang bawat hakbang ng kanyang mga paa. Tuloy-tuloy pa ang kanyang pagtayo at paglalakad.
At dahil sa mga bagong kakayahan, naging aktibo si baby. Walang araw na hindi siya umiiyak. Nadadapa, natutumba, at nababangga. Minsan out of control pa ang mga kilos niya. Walang araw na wala itong bukol!
Lumawak ang kanyang palaruan. Aakyat sa kama, gagapang, at bababa ulit. Maglalakad papunta sa sala para manuod ng TV o di kaya maglaro sa mga laruang kotse. Balik ulit sa kuwarto.
Para sa akin, normal lang ito. Bata kasi. Kahit nahihirapan o nasasaktan ay pilit niya pa ring ginagawa. Sabik matuto.
Unang araw. Umaga, nagising si Misis na umiiyak si baby. Kinakabahan dahil wala na ito sa kanyang tabi.
Nahulog na pala ito sa kama. Nauna kasing nagising at mahimbing pa ang mommy niya. Gusto nang bumaba at ayaw makadisturbo sa tulog ng iba. Pasalamat na lang at matigas na ang kanyang mga buto at hindi nabalian.
Pangalawang araw. Indikasyon na hindi na ligtas para sa amin ang matulog sa ibabaw ng kama. Napagdesisyunan namin na ilipat ang kutson na bahagi ng kama sa sahig at doon na kami matulog. At kung sakaling maunang magising si baby, hindi na ito masyadong mataas dahil abot na ng kanyang mga paa ang sahig.
Ikatlong araw. Naglakad na ng diretso si baby. Tuwang-tuwa kami sa mga oras na iyon dahil pareho naming nasaksihan ang bawat hakbang ng kanyang mga paa. Tuloy-tuloy pa ang kanyang pagtayo at paglalakad.
Marami kang matutunan, dahil My Puhunan. |
Lumawak ang kanyang palaruan. Aakyat sa kama, gagapang, at bababa ulit. Maglalakad papunta sa sala para manuod ng TV o di kaya maglaro sa mga laruang kotse. Balik ulit sa kuwarto.
Para sa akin, normal lang ito. Bata kasi. Kahit nahihirapan o nasasaktan ay pilit niya pa ring ginagawa. Sabik matuto.
Friday, February 21, 2014
Candle to Blow
Isang taon na kami. Parang kailan lang.
Isang taon na pala kaming mga babysitters. Inaalala ang mga pinagdaanang hirap ni Misis sa panganganak. Sinasariwa ang mga feelings noong first time pa lang namin naramdaman ang pagiging magulang.
Meron na kaming napatunayan. At heto, lumalaki na ang aming tropeo.
Sa ngayon, wala munang malaking handaan. Di pa naman marunong umihip ng kandila si baby. Hindi pa naman siya ganun kadami kung kumain. At higit sa lahat, wala pa siyang nakilalang mascot. Sa susunod na lang ang magarbong handaan kung alam na niya ang sagot kung bakit siya pinaghahandaan. Tama na muna iyong simpleng kainan kasama ang mga kaibigan.
Maraming salamat sa mga grandparents for prayer and love: Soshia, Tiyo Paul, Tita Joan, Tita Donna, Tita Knivie, Tita Kathlyn and Tita Au. -from Kajlil
Lubos din ang pasasalamat sa aming mga parents sa kanilang walang sawang parental tips at guidance, sa aming kapamilya na kami'y laging kinukumusta, sa lahat ng mga kaibigan na umalalay sa amin, at sa lahat ng mga concerned citizens online via facebook and skype ( advisers, nurses, medtech, ob-gyne, pediatricians, lawyer, etc.).
Mahirap ang manirahan sa ibang bayan pero nandiyan kayo at sa amin ay gumagabay.

Friday, February 14, 2014
Door of Valentine
Wow! Isang mensahe ang nakadikit sa pintuan ng kuwarto ang nabungaran ko galing ng night duty.
Ang valentine's day ay para din sa mga DADDY!
Maraming Salamat...and Happy Valentine...
Hinalungkat ko ang pictures folder ng computer at ito ang kanilang behind the scene pics.
Gamit ang self timer camera, diaper mat na ginawang hugis puso na idinikit sa sandok at makulit na baby na ngumingiti tuwing nakakita ng flash ng camera. Sobrang effort.

Subscribe to:
Posts (Atom)