Ang pagbabago ng kulay ang nagpaalarma sa pediatrics ward ng hospital. Kinuhanan ng X-ray ang bata kahit madaling araw pa lang. Walang sinabi ang doktor na nakaduty basta ayon sa kanya, ikokonsulta niya muna ito sa mga nakakataas sa kanya.
Dumami ang doktor na bumibisita sa kuwarto. Mula sa mga ordinaryong pediatrician, may mga especialista, at mga surgeon. Nanghihina pa lalo si Kajlil dahil patuloy pa rin ang pagsusuka niya ng mabaho at kulay berdeng likido. Lumalaki rin ang kanyang tiyan.
Tumulo ang luha naming mag-asawa habang tinititigan ang kalagayan ng dati ay napaaktibo naming bata. Non-responsive siya. Sa sobrang hina niya ay kahit ang pag-iyak ay di niya kaya.
Ito na ang lumalabas sa bibig ng bata. |
"Kuya, ate, nandito po si doktor.." Ganito dito sa Saudi. Laging pinapaunahan ng nurse ang nasa loob ng kuwarto bago pumasok ang doktor lalo na kapag ito ay lalake. Para kasi makapaghanda ang mga babae at makasuot ng abaya. "Si Doctor Rommel po,". Isang Pinoy pediatrician.
Alam namin may sasabihin ang doktor at mabuti na rin ito na kapwa Pilipino para maliwanagan kami kung bakit nagkaganito ang kalagayan ng anak namin.
"Noong dumating kayo dito nung Friday, dehydrated na ang anak niyo kaya nanghihina. At iyon ay nagawan natin ng paraan. Gumaling na siya, nakita niyo naman", pasiunang salita mula sa doktor.
"Kung bakit kayo nandito pa rin ay dahil inoobserbahan naming maigi ang anak ninyo. Patuloy pa rin kasi ang pagsusuka niya. Hindi naman kami basta basta magbibigay ng gamot nang hindi pa namin alam ang tunay na sakit niya. Matagal siya dahil iyan ang tamang proseso...
Ayon sa resulta ng test na ginawa sa kanya ay may nagbara sa kanyang bituka. Walang foreign object pero ang duda namin ay nagkaroon ng twist sa bituka niya. Minsan, pumilipit ang bituka kaya naging makipot ang daluyan nito. Kapag nagtwist ang bituka, kailangan itong ayusin sa pamamagitan ng operasyon. At kapag hindi naman, kailangan pa ring buksan ang tiyan niya para masuri kung bakit may pagbabara. Sa madaling salita, kailangan niyang dumaan sa operasyon....
Sinasabi ko ito sa inyo para makapaghanda kayo."Iyon na lang ang huling mga salita na natandaan namin sa mahabang pahayag ng doktor. Tuluyang nangilid ang mga luha sa mga mata namin.
ill pray for your child health. be strong
ReplyDeletePare, be strong. Prayers for your family.
ReplyDeletequeen casino - Konicasino
ReplyDeletePlay slots 1xbet and jackpots at Queen Casino. Play online roulette, blackjack, keno, poker and クイーンカジノ so much more at the official KONAMI casino. 온라인카지노