Sunday, March 9, 2014

Tatlong Araw

Pagkatapos ng kanyang kaarawan.

Unang araw. Umaga, nagising si Misis na umiiyak si baby. Kinakabahan dahil wala na ito sa kanyang tabi.

Nahulog na pala ito sa kama. Nauna kasing nagising at mahimbing pa ang mommy niya. Gusto nang bumaba at ayaw makadisturbo sa tulog ng iba. Pasalamat na lang at matigas na ang kanyang mga buto at hindi nabalian.

Pangalawang araw. Indikasyon na hindi na ligtas para sa amin ang matulog sa ibabaw ng kama. Napagdesisyunan namin na ilipat ang kutson na bahagi ng kama sa sahig at doon na kami matulog. At kung sakaling maunang magising si baby, hindi na ito masyadong mataas dahil abot na ng kanyang mga paa ang sahig.

Ikatlong araw. Naglakad na ng diretso si baby. Tuwang-tuwa kami sa mga oras na iyon dahil pareho naming nasaksihan ang bawat hakbang ng kanyang mga paa. Tuloy-tuloy pa ang kanyang pagtayo at paglalakad.
Marami kang matutunan, dahil My Puhunan.
At dahil sa mga bagong kakayahan, naging aktibo si baby. Walang araw na hindi siya umiiyak. Nadadapa, natutumba, at nababangga. Minsan out of control pa ang mga kilos niya. Walang araw na wala itong bukol!

Lumawak ang kanyang palaruan. Aakyat sa kama, gagapang, at bababa ulit. Maglalakad papunta sa sala para manuod ng TV o di kaya maglaro sa mga laruang kotse. Balik ulit sa kuwarto.

Para sa akin, normal lang ito. Bata kasi. Kahit nahihirapan o nasasaktan ay pilit niya pa ring ginagawa. Sabik matuto.

3 comments:

  1. Ang mga bukol, part na cng llife cng bata...indi enjoy ang pagkabata kung wla bukol...hehehe...im sure perti ng bukol ang naagyan na ni mommy kag daddy mo kajlil...hehehe

    ReplyDelete