"Be", ang salita na madalas nabibigkas.
Be sa tuwing napapanood ang The Singing Be,
Ang TBe Patrol
At ang Kris TBe.
Isang taon at kalahati na si Kajlil, iilang salita pa lang ang naririnig namin mula sa kanya. Hindi pa ito klaro at hindi maintindihan. Kahit ang salitang "mami" ay madalang lang bigkasin. (Madalas "dadi" ang sinasambit niya). Ibinahagi din namin ito sa ibang mga magulang kung ito ba ay normal. Ngunit naisip din namin na marahil huli siyang magsalita dahil kulang ito sa interaksyon sa kapwa niya bata. Walang kalaro at nag-iisa lamang. Kaming mga magulang niya ang palaging kalaro.
Isa pang dahilan ay nandito kami sa Saudi. Hindi kami masyadong nakakalabas lalo na ngayon na napakatindi ang init ng panahon. Lagi na lang nakakulong sa apartment. Laging TV ang pinapanuod at ang paulit-ulit na Hooplakidz nursery song sa computer.
Noong nakaraang linggo, nabigkas niya ng buo at nakilala ang "egg", "orange" at "apple". Akala nga namin ay baka nagkataon lang. Ngunit kahit anong paikot ang gawin namin, nanatiling kilala niya ang tatlo. Masaya kami, kahit paano may pagbabago sa kanya.
Marami pang salita ang aming aabangan. Masyado lang siguro kaming excited kaya nag-aalala.
No comments:
Post a Comment