Nagsisimula ang kanyang araw sa isang ngiti.
Saglit na kakausapin at lalaruin habang nasa higaan. Bubuksan ang tabing ng bintana para kahit papaano ay masilayan man lang ang normal na liwanag ng haring araw. (Hindi puwedeng buksan ang bintana kasi papasok ang alikabok at buhangin mula sa labas).
Bubuksan ang computer na may malakas na speaker. Maliban sa tunog mula sa pagstart ng computer ay dinig niya ang mga ingay mula sa pagpindot ng keyboard. Alerto at heto na siya nakapuwesto, nakadapang nakaharap sa lugar kung saan ang susunod na palabas.Type YOUTUBE and search HOOPLA KIDZ . Mula rito aalingawngaw na ang indak at mga kantang pambata. Paborito niya ang "Old McDonald had a Farm".
Nakikipanuod na rin siya ng palabas sa TV. Yong may sayawan at kantahan katulad ng IT'S SHOWTIME. Lagi kasi naming binubuksan ang telebisyon kahit walang nanunuod. Masyadong boring ang bahay kapag walang nag-iingay! Kami na mismo ang lumalayo kay baby sa harap ng telebisyon kapag may mga eksenang hindi kagandahan. Maliban sa nakakabulahaw ang sigawan at iyakan sa mga teleserye, ay di pa maganda sa mata. Pinaplano na rin ang magpalit ng cable subscription. Iyong may pambatang palabas. May kasama na kasi kaming minor sunscriber.
Maraming nakasulat sa pader. Unang hakbang para matuto. Hindi pa namin tinuturuan ng alpabeto at pagbilang dahil baby pa siya. Patingin tingin na lang muna!
Sana tama ang ginagawa namin. Ilang buwan na panay sa loob ng kuwarto si baby. May kainitan pa sa labas. Pagkatapos ng init ay lamig. At ang hangin dito ay may kasamang alikabok o buhangin. "Looks and act like an Arab". Sana nga! Payag na kami basta maging immune lang siya sa bago niyang kapaligiran.
Tuesday, August 13, 2013
Monday, July 22, 2013
INA sa mata ng isang AMA
Kada buwan, hindi nawawala ang ice cream. Nagcecelebrate kami!
Five months na siya at ang bilis ng panahon! Kung dati sobrang ingat kami kapag binubuhat siya. Inaalalayan pa ang kanyang leeg at likod. Ngunit ngayon, hinihila na lang kapag gustong kargahin kapag nasa kabilang parte siya ng kama.
Masayahing bata. Ang ngiti niya pagkagising ay nagpapahiwatig na buhay na buhay ang kamalayan niya. Ang saya pagmasdan na buhay at lumalaban kapag iyong hinahalikan at kinikiliti. Tumatawa at may reaksiyon na ito. Hindi katulad dati na nagtitiyaga lang kami sa malambot na Teddy Bears.
Namaster niya na ang magpagulong para makapagpalit ng puwesto at pumili ng matatabihan sa pagtulog. Sumasabay na rin ang kanyang mumunting daliri kapag inaawit namin at ginagawa ang "Close Open" ng palad. Madaling matuto.
Sa hanay ng mga kalalakihan, iniisip natin ito'y madaling gampanan ng isang babae. Minsan, nagrereklamo pa tayo, lalong lalo na pagdating galing sa trabaho, kung bakit parang walang nagawang trabaho ang mga asawa natin. Bakit hindi nakapaglinis o nakapaglaba man lang? Ang init ng ulo galing sa trabaho ay lalong nag-aalab dahil sa nadatnan sa bahay.
Hindi talaga natin ito mauunawan kung tayong mga lalaki ay hindi "hands on" sa pag-aalaga ng bata. Ano bang magagawa ni Misis, kung tulog manok ang anak mo sa umaga. Kung gusto ay laging magpakarga at makipaglaro. Papaliguan, bubusugin, lalaruin, at patutulugin. Kung ang bakanteng oras mo lamang ay magluto. Tuwing kakain naman ay may nagrereklamo dahil gusto na ulit ni baby na magpakarga. Ni maligo o umihi minsan nga ay hindi magawa.
Sa gabi naman ay hindi magawang diretso ang tulog. Dahil paminsan minsan, may baby kang inalalayan. Aayusin ang pagkakahiga o di kaya ay kukumutan. At ang pampatulog na gatas na laging hinihingi habang sinasabayan ng mga haplos sa likod.
Iyan ang ginagawa ni Misis. Hindi namin sinanay sa duyan si baby at dahil breast feed, kailangang sabayan siya sa paghiga. Kaya kadalasan at di maiwasang dalawin ng antok at nakakaidlip si Misis.
Kaya saludo ako sa mga NANAY sa sakripisyong ginawa para sa mga anak nila.
Five months na siya at ang bilis ng panahon! Kung dati sobrang ingat kami kapag binubuhat siya. Inaalalayan pa ang kanyang leeg at likod. Ngunit ngayon, hinihila na lang kapag gustong kargahin kapag nasa kabilang parte siya ng kama.
Masayahing bata. Ang ngiti niya pagkagising ay nagpapahiwatig na buhay na buhay ang kamalayan niya. Ang saya pagmasdan na buhay at lumalaban kapag iyong hinahalikan at kinikiliti. Tumatawa at may reaksiyon na ito. Hindi katulad dati na nagtitiyaga lang kami sa malambot na Teddy Bears.
Namaster niya na ang magpagulong para makapagpalit ng puwesto at pumili ng matatabihan sa pagtulog. Sumasabay na rin ang kanyang mumunting daliri kapag inaawit namin at ginagawa ang "Close Open" ng palad. Madaling matuto.
Look, Grandma...suot na ni Kajlil ang binili mong sandal!
Sa pag-aalaga ng bata, tumutulong ako. Dahil kami lang namang mag-asawa ang magkasama. Walang mga kamag-anak na hahalili sa pagbabantay. Isa pa, bilang isang tatay, mahalagang matutunan ko ito. Hindi nga lang sa lahat ng oras dahil sa trabaho.Sa hanay ng mga kalalakihan, iniisip natin ito'y madaling gampanan ng isang babae. Minsan, nagrereklamo pa tayo, lalong lalo na pagdating galing sa trabaho, kung bakit parang walang nagawang trabaho ang mga asawa natin. Bakit hindi nakapaglinis o nakapaglaba man lang? Ang init ng ulo galing sa trabaho ay lalong nag-aalab dahil sa nadatnan sa bahay.
Hindi talaga natin ito mauunawan kung tayong mga lalaki ay hindi "hands on" sa pag-aalaga ng bata. Ano bang magagawa ni Misis, kung tulog manok ang anak mo sa umaga. Kung gusto ay laging magpakarga at makipaglaro. Papaliguan, bubusugin, lalaruin, at patutulugin. Kung ang bakanteng oras mo lamang ay magluto. Tuwing kakain naman ay may nagrereklamo dahil gusto na ulit ni baby na magpakarga. Ni maligo o umihi minsan nga ay hindi magawa.
Sa gabi naman ay hindi magawang diretso ang tulog. Dahil paminsan minsan, may baby kang inalalayan. Aayusin ang pagkakahiga o di kaya ay kukumutan. At ang pampatulog na gatas na laging hinihingi habang sinasabayan ng mga haplos sa likod.
Iyan ang ginagawa ni Misis. Hindi namin sinanay sa duyan si baby at dahil breast feed, kailangang sabayan siya sa paghiga. Kaya kadalasan at di maiwasang dalawin ng antok at nakakaidlip si Misis.
Kaya saludo ako sa mga NANAY sa sakripisyong ginawa para sa mga anak nila.
Subscribe to:
Posts (Atom)