* Foreign Tourist.
Palakad lakad na animo'y bansa namin ang aming tinatapakan. Di naman kasing halata na kami ay turista. Nahahalata lang nila na kami'y turista sa aming pananalita. Katunayan, hindi man lang kami inalok nung nagtitinda ng Thai traditional na payong sa Bangkok at Pattaya. Gustong gusto naming bumili. Akala nila lokal din kami!
** A Backpacker.
Ang Khaosan Road sa Bangkok, Thailand ang pinakakilalang lugar ng mga Backpackers na nagmula pa sa ibang parte ng mundo. Dahil nakapunta na kami ni Misis sa Khaosan, official na naming matatawag ang sarili namin na Backpacker.
*** "The Anchor Boy"
"Ihulog na Dong", sabi ni Kuya Bangkero. Nag-iisa lang kasi akong lalake sa Island Hopping namin sa Digos, Davao del Sur. Ako na ang bagong katandemn ni Kuya. Ako ang tagahulog ng angkla (anchor) ng aming bangka.
**** The Lighting Man
Isa sa mga lugar na gustong puntahan, ang tinaguriang the Seven Wonder of Nature, ang Underground River ng Palawan. Dahil gustong mauna, front seat ang pinuntirya. "Sir, up, down, left, right, thats it!". Hawak namin ni Misis ang debateryang ilaw ng bangka. Minsan di na sinusunod ang guide.
***** Caving and spelunker.
Hindi namin napaghandaan ang adventure title na ito. Lalong lalo na ang zip line ng Ugong Rock sa Palawan.
Gapangan sa kweba, akyatan, at pabitin mula sa itaas ng bundok hawak ang paghinga hanggang makarating sa ibaba.
****** Rock climber with the best and romantic lunch picnic.
Matarik, mabato, mapanganib.
Maganda, masarap, nakakagigil.
Ang ganda ng lugar ng Pilipinas. Buong araw na island hopping, swimming, walking, climbing, frightening, at dining sa El Nido, Palawan.
******* House and family man.
Itinayo namin si Bangpat. Pamilyado na talaga ako. May asawa at may bahay. Di man kasingrangya ng isang milyonaryo pero mayaman naman ako sa pagmamahal daig pa ang isang bilyonaryo.
Wow - ang ganda talaga ng Pilipinas!
ReplyDelete