Thursday, December 6, 2012

Incoming Dad (Week 30)


Back to text and chat na ulit kami ni Misis. Nakakapanibago. Halos pitong buwan ko nang hiniwalayan ang aking dual sim cellphone na Nokia X1 ngunit heto binalikan ko ulit siya. Hindi pwedeng mahiwalay nang matagal. Laging katabi at laging hinahanap.

Dati, kasama ako sa mga check up ni Misis sa hospital. Ang mga progress ni Kajlil ay sabay naming nalalaman. Ang mga bago niyang mga nararamdaman ay ako ang unang nakakaalam. Iba na ngayon, nagsosolo na si Misis sa hospital. Text and chat na lang kung kailan ako online.

Halos isang linggo kaming nagworry noong bagong dating kami sa Pinas. Dati namang aktibo kung gumalaw si baby ngunit biglang dumalang noong nasa Pinas. Hanggang sa pag-alis ko ay ganoon pa rin. "Baka pagod lang sa biyahe at dahil marami tayong ginawa dahil nga bagong dating." Naisip rin namin na baka naninibago ang baby sa loob. Sa mga bagong ingay at boses ng mga nasa paligid. May maririnig na siyang tahol ng aso at tilaok ng manok. Maraming na siyang maririnig na mga boses. Iyon nga lang may isang boses na hahanap-hanapin niya dahil saglit na mawawala. Ang boses ng tatay niya.

Dahil na rin sa pag-aalala, tinawagan ko si Misis. Kinumpirma ang kalagayan ng baby. Laking tuwa na lamang at nalaman na gumagalaw na ulit. Namiss lang siguro ni Kajlil ang taong laging kakuwentuhan ng nanay niya. Hyper na ulit si kajlil. Napapaihi pa minsan si Misis kapag tumadyak. Napakalakas na nitong sumipa.

Dumami at nadagdagan na rin ang complaints na naririnig ko kay Misis. Nangangalay, masakit, lumaki, lumapad, at marami pa. Hindi talaga biro ang magbuntis at ang sakripisyo ng babae. " Baka sabihin na nagrereklamo ako kay Kajlil. Hindi ha... Ang pagdating niya ay isang blessing na dapat ipagpasalamat."

Kaya ang tatay ni Kajlil ang tumatanggap sa lahat ng reklamo.

No comments:

Post a Comment