Sunday, January 6, 2013

Incoming Dad (Week 34)

Natapos na rin ang mga activities para sa nakaraang taon. Wala nang rason kung bakit napadami ang kain ni Misis. Sino ba naman ang hindi maeengganyong kumain sa pasko, sa pista, sa reunion, at sa bagong taon! Kaya sa mga nagpapapayat, sira ang diet routine nila tuwing Disyembre.

Nagkuwento si Misis sa nakaraang linggo niyang schedule sa clinic through text, ang normal na communication way ng mga nasa  long distance relationship.

Nagulat daw si Doki na malaki ang tiyan niya. Nang iultrasound na, pasok pa sa normal na 1.9kg na timbang si baby. Sinabihan din daw siya na huwag masyadong kumain para hindi masyadong lumaki. At tulad ng dati, tagubilin pa rin ni Doki ang pag-iwas sa salty and fatty foods, sweets, at softrinks.
Tinanong din niya si Dok kung puwede bang normal delivery. Puwede daw sagot ng doktora. Bata pa naman si Misis at basta huwag lang daw damihan ang kain.

Masyadong naiinitan si Misis sa ngayon. Iyon ang lagi niyang daing. Malamig naman ang lugar nila kahit walang aircon. At iyong paa na namamaga at nangangalay kapag napsobra ang lakad o natagalan sa pagkatayo. Kailangan pang itaas sa upuan at imassage. Kaso wala nga pala ako doon. Walang magmamasahe!

Hinihingal na rin siya. Parang napagod gayong wala namang trabaho. Siya ang nagsabi ng ganoon. Iba talaga ang pakiramdam ng buntis. Hindi madali!

Nakahanda na ang mga gamit ni Kajlil. Nakalagay na sa bag ang mga bagong labang damit at mga kakailanganin niya sa hospital. Hinihintay na lang namin ang kanyang pagdating. "Masyadong magalaw si Kajlil, parang gusto na niyang lumabas. Pero huwag muna, masyado pang maaga!"

Panalangin namin na sana huwag magmadali at sana sa tamang gulang si Kajlil bago lumabas.

1 comment:

  1. Thank you for joining Blogs Ng Pinoy! Your blog has been posted! You can also vote for your favorite blogs! The Top 5 highest rated will be displayed in the BLOGS OF FAME and will be featured weekly in our Facebook page ;)

    For site news & updates, check facebook.com/blogsngpinoy

    Thank you,
    BNP
    blogsngpinoy.com

    ReplyDelete