Animo'y pista na naman! Maraming pagkain. Busog na busog kami! Sa kalagitnaan ng kainan ay saglit na katahimikan. May naaalala. May kulang.
Nakakamiss talaga iyong marami ang kasalo sa hapag kainan. Iyong eksenang nag-aagawan ng isang parte ng manok. Iyong eksenang kailangang may maghahati ng pagkain para equal portion ang lahat. Naaalala ang aming malaking pamilya na sabay-sabay na kumakain. Magulo ngunit masaya!
Marami akong natapos ngayong linggo. Mga bagay na dapat ipagpasalamat. Di kami nagluto kaya umorder at nagtake-out sa malapit na restaurant, ang Pansitan.
Naayos ko na ang papeles sa tinitirhan naming apartment.
Nabili ko na ang mga promised items na gusto kong ipamigay sa kapamilya.
Nagpabook ng flight para sa pag-uwi. Nakapagdesisyon na kami na sa Pinas si Misis manganganak. Posible palang pumasok ang sanggol sa bansa kahit walang visa.
Monthsary namin kahapon. (Himala, ako ang nagremind, dati akong makakalimutin!.)
Naayos ko ang busted lamp namin sa kusina.
At ngayon, isang accomplishment ang maging nominado sa isang contest.
No comments:
Post a Comment