Naaadik kami sa larong Candy Crush Saga sa Facebook. Ganito kami ka sweet! Minsan naiwanan na iyong nilulutong ulam. Dahil nakaligtaan na may niluluto, ang sinabawan ay naging toasted. Ang sarap pa naman iyong sinabawang buntot ng baka na may puso ng saging.
Al Mana General Hospital, Jubail
Huling bisita namin kay Doktora Ritzwana. Dala na rin namin ang mga airlines medical certificates para pirmahan niya. Habang pinirmahan niya ang ang dalawang piraso ng papel, kinukuhanan naman ng assistant ni Dok ang mga vitals ni Misis at inihanda ang pagsalang sa ultrasound para silipin si Kajlil. Tumayo na si Dok para icheck ang bata. "It's a boy no?" Biglang umangal si Misis. "Oh Doc don't tell us". "Now I'm not sure.." bawi ng doktora. "Doc, I heard it..". Sabi ko sabay tawa. Tumawa rin si doktora.
Halakhakan sa loob ng clinic. Nakalimutan ni doktora na sana ay surprise ang kasarian ni Kajlil. "Everyone is asking, that's why....i forgot", paliwanag ni doktora. Hindi na tuloy surprise ang gender ni Kajlil. Bago kami umalis ng clinic, hiningi din namin ang test results at ang expected delivery ni Misis, February 12, 2013.
"Lalake, masculine ang dating ni Kajlil sa ultra sound pic niya." sabi ni Mother.
"Lalake iyan, dahil marami kang taghiyawat". In short, pumangit si Misis, sabi ng isa naming kaibigan.
May talo na naman sa pustahan!
Nakahanda na ang lahat para sa pag-uwi ni Misis. Nakahanda na ang exit reentry visa niya at ang mga dadalhing mga pasalubong. Malungkot na naman itong bahay sa mga susunod na linggo at buwan.
weeee! baka maging feb 14 yan! valentino ang itawag mo. hahaha! welcome to the love month club, baby!
ReplyDeleteSalamat mornyt...
ReplyDelete