Thursday, February 6, 2014

Bakit Natatakot sa Dagat ang Bata?

Maraming bata ang natatakot sa dagat. Ang kanilang iyak at bulahaw ay may dahilan.

Bakit?

Bawat magulang ay excited para sa kanilang mga anak lalo na kapag ito ay unang beses pa lamang na makita ang dagat. Kadalasang nangyayari ay ang pag-apura sa bata na makilala ang malawak na dagat sabay inilusong sa tubig. Mas malala pa kapag nilublob kahit umiiyak na. Kaya naman nagkakaroon ng takot ang bata. Ayaw nang lumusong sa tubig at mas gusto na lamang na malayo sa dalampasigan habang nanunuod sa mga naliligo.


Sa unang beach experience ni baby, naging iba ang pagtrato namin sa kanya. Sa dalampasigan, matagal niyang pinagmamasdan ang alon na paparating. Ang kakaibang tunog mula rito ay malamang nakakapanibago sa kanya. Sa paglapit namin ay halos humigpit ang kapit niya. Dahan dahan siyang ibinaba para lumapat ang mga paa niya sa buhangin.

Bumabalikwas siya at nagpapakarga tuwing naaabot siya ng tubig. Iba yata ang pakiramdam niya sa tuwing gumagalaw ang buhangin dahil sa maliliit na alon. Sa unang araw niya sa beach, paa lamang ang nabasa sa kanya dahil takot pa siya.

Sa pangalawang araw, namulat si baby na may ingay ng alon sa dalampasigan. Balik ulit kami sa beach lesson niya. Sanay siyang naliligo sa palanggana kaya nagkaroon siya ng interest sa ginawang hukay ng mga bata sa tabing dagat. Kinakarga siya noon ngunit nagpupumiglas siyang bumaba at lumusong sa hukay na mayroong tubig dagat. Umupo at naglaro. Nahawakan at nalasahan na rin niya ang tubig dagat.

White Haven Beach Resort, Gumasa, Saranggani
Mula sa hukay, kinarga na siya at dinala sa tubig dahil siya na rin mismo ang gustong pumunta sa may malawak na tubigan. (Wala ng kumuha ng picture dahil sabay sabay nang naligo). Tuwang tuwa ang bata habang naglalaro sa di mabawasang tubig ng dagat. Hanggang beywang lang muna. Iniiwasan na mabasa ang likod para maenjoy niya ng husto ang tubig nang matagal. Tinuturuan siyang sumipa sa tubig. Hindi na siya takot sa tubig.

Nang nabasa ang likod niya, tuluyan na siyang pinaliguan at dinala na siya sa cottage para bihisan. Ayaw pa sana niyang umahon pero pinilit ng mommy niya. Masama sa bata ang matagal na nakababad sa tubig.

Mula sa dagat hanggang sa swimming pool ay wala na siyang kinatatakutan. Sa umpisa ay sa tabi lang muna. Ilang minuto lang, magyayaya na siyang lumusong at kapag nabasa na ay ayaw ng umahon.

Grand Tiera's children's Pool, Mlang, North Cotabato

No comments:

Post a Comment