Tuesday, April 2, 2013

Gatas ng Ina sa Bote

Ang isang malusog na sanggol, kapag nagsimulang umiyak ay marahil basa o umebak. Kapag hindi naman,  ito ay gutom. Hindi mo maibabaling ang atensiyon o mapapatahan dahil di pa nakakakita at di pa marunong maglaro. Ang tanging paraan lamang ay dumede.

Sinimulan na ang "Operasyon Lipat sa Bote" ni baby. Hindi naman aalisin ang breast feeding lalo na sa gabi. Hindi maikumpara sa branded milk ang sustansiyang nakukuha ng bata mula sa gatas ng ina. Pero dapat matutunan din ni baby na dumede sa bote.

Nagpump si Misis ng gatas niya at inilagay sa feeding bottle. Ayaw dumede ng bata ngunit pilit na dumede kapag talagang gutom. Kalahati ng laman ng bote ang nasasayang dahil niluluwa. Mahirap, dahil di naman maaring panay ginugutom ang baby sa pagnanais ng magulang na dumede lamang sa bote.

"Kasalanan kasi ni Mommy." Ang sambit ni Misis.

Noong bagong silang kasi si baby, medyo malakas na sanang dumede sa bote. Dahil sa nanghinayang si Misis sa malagripong gatas, itinuloy tuloy niya ang breast feeding. Malaking kaginhawaan ang naidudulot ng breast feeding. Maliban sa nakakatipid ay nawala rin sa peligro si Misis. Marami kasing iniindang sakit ang mga nanay na di nagbreast feed. Malamang dahil namumuo ang mga gatas na dapat ay lumabas. Hindi na rin niya kailangang bumangon at magtimpla ng gatas sa kalagitnaan ng gabi. At ang mag-init ng tubig at maghugas ng mga feeding bottles.

Konserbatibo. Iyan si Misis. Pero noong umiyak si baby sa gitna ng maraming tao ay wala siyang nagawa. Nilunok ang sariling kahihiyan sa oras na nagugutom ang bata.Umupo sa isang tabi at nagpadede. Kahit sinong nanay, ayaw magpadede sa lugar na maraming tao pero hindi talaga ito maiiwasan. Mayroon naman siyang paraan na magbreast feed in public in a conservative way. Naglalagay siya ng tela na isinusukbit sa leeg niya.

Sa Pilipinas, normal lang sa atin na makakita ng ina na nagpapadede sa publiko.  "Breast Milk is still the best milk for Babies up to 2 yrs old". Suportado natin ang breast feeding sa bansa.

Inaalala namin ang aming magiging kalagayan sa susunod na mga buwan. Sa Saudi Arabia na matutunan ni baby ang gumapang. At sa bansang ito, medyo iba ang dating ng breast feeding. Hindi naman ilegal pero bilang paggalang sa konserbatibong kultura ng mga kababaihan, kailangan naming turuan si baby na maging flexible kapag gutom. Dahil hindi sa lahat ng oras ay nasa loob kami ng bahay.

12 comments:

  1. Mabuti nga kay baby ang gatas ni mommy.... pero tama ka... at sang ayon di ako sa mga nabanggit mo...

    Sana masanay na si baby sa bote lalo na kung nasa KSA na kayo... okay lang sana kung lagi kayong nasa bahay....

    Godbless!

    ReplyDelete
  2. Di ako makarelate sa topic mo. At wala rin akong tips na maibibigay. Hahaha! Pero ang lusog ng inaanak ko!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Au. malusog nga e. Nagmatured na rin ang mga topic ko dito. hehe

      Delete
  3. Ang cute naman ng baby! magiging matalino yan at malusog paglaki nya kasi gatas ni mommy yung iniinom nya. Pinoy Social

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat...masaya na ako basta malusog lang ang baby..

      Delete
  4. Help naman kawork ko asawa ko.. Di makapasok kasi nung may sakit si baby nasanay sa dede ni momy nya.. Ayaw na ng bote.. At parang ayaw nya na din ng milk na brand lang.. Na papadede naman sya dati at sa gabi naman sa mama nya nag dedede.. Ngayon naman ayaw nya na talaga. Di na madaya si baby kahit sinisingit namin sa dede ng momy nya yung de bote.. Kahit nga gutom ayaw parin..

    ReplyDelete
  5. Try lang nang try..huwag lang maubusan ng pasensiya. Ganyan din kami dati. Yung baby ay kailangan ding ipractice hanggang sa masanay.

    ReplyDelete
  6. Ako rin sana kusang magustuhan ni baby Ang bottle feeding..yong di na kaylangan pilitin tapos iiyak,nakakaawa Kasi tapos di ko rin matiis..Kaya pray talaga ako na sana madaling magustuhan ni baby.i need to work na.

    ReplyDelete
  7. Helo gnyn din po ang baby ko halos pinlitn ko n ung nipple at gatas nya ayaw parin nya.then my time na want nha ang feeding bottle pag naamoy nya ako (mother) aaywan n nya ung bote?what should we do?

    ReplyDelete
  8. Ilang oras po ba tumatagal ang gatas ng ina pag nasa bote?

    ReplyDelete
  9. Ayaw dumede ng 2 months baby ko sa akin..3 days ago nagdede pa sya...pero after that umiiyak na sya bigla kapag ipapabreastfeed ko na sya...mas gusto pa nya ang formula milk kesa sa breastmilk ko...ano po kaya amg mabuti kong gawin. Okey lang kaya na magpump nalang muna ako para makainom sya sa gatas mula sa akin?

    ReplyDelete