Malakas si baby.
"Very good si Kajlil!"
Natanggal ang kanyang pusod pagkatapos ng isang linggo. Hindi na rin siya iyakin sa gabi. Maliban lamang kung basa at gutom. Panay siya tulog at kadalasang ginigising ng mommy niya para magpadede. Di na hinihintay na magising at umiyak.
Dalawang linggo pa lamang siya pero naibiyahe na siya sa DFA para mag-apply ng passport. Kinaya ang tatlong oras na layo at init ng siyudad. Siguro, para siyang dinuduyan habang tinatahak ang bako-bakong kalsada mula sa bayan. Walang dalang stroller kaya halos isang araw siyang karga ng mommy niya.
Di pa siya nakakakita pero sumusunod na ang mga mata niya. Nakakapag eye contact na ito kapag kinakausap. Di na rin siya umiiyak kung pinapaliguan. Araw-araw kasing naliligo dahil pawisin. Di na raw amoy baby kapag di nakapaligo.
Masusulyapan na rin si baby na nakangiti lalo na kapag natutulog. Marami na siguro siyang naipon na mga memories kaya napapanaginipan.
"One week lang naging baby si Kajlil!"
Mabilis siyang nagmature. Halos apat na kilo na ito. Malaki siya sa kanyang edad. Nakakangalay na sa kamay kapag matagal na binubuhat. At ayon sa new born pre-screening ng hospital, normal baby si Kajlil.
Malaking tulong ang maaga naming nalaman ang pagbubuntis ni Misis. Malaking tulong ang mga bitamina, ang gatas, at ang tamang pagkain kaya naging malusog at malakas si baby.
katuwa naman... cute ng baby...
ReplyDeletemas maganda nga na sa simula maging maalaga ang nanay... at sapat ang pangangailangan para maging healthy si baby
Cutie!!! Sabik ka na makasama si baby at si mommy noh?
ReplyDeleteUu nga Au e. malapit na bakasyon...
Deleteang cute naman nya. paano bah ipronounce yung name nya? ;-)
ReplyDeletesalamat Phioxee,
ReplyDeleteka-lil, ang pagpronounce.