Saturday, February 2, 2013

Incoming Dad (Week 38)

Kabuwanan na ni Misis. Hindi ko maitago ang pag-aalala. Basta ang hinahangad ko ay maging maayos ang lahat. Mas kabado pa yata ako sa asawa ko. Ewan, excited naman.

Malamang huling check-up na niya ito sa family clinic. 2.8kg na si baby. Normal pa rin ito ayon kay doktora. Anytime puwede nang lumabas. Kailangan niya lang magdiet at exercise kung nais na mapadali ang paglabas. Sa palagay ko nakahanda na kami.

Nakahinga ako ng maluwag. Tinext ako ni Mother. "Magtiwala ka lang sa amin, we care for your mag-ina. Don't worry!".

Ano pa nga ba ang hihilingin ko. Salamat sa pamilya ni Misis na nag-aaruga at sumusuporta. Sa pagkakataong ito, naging tama ang desisyon naming mag-asawa. Kapag dito sa abroad manganganak si Misis, marami ang mag-aalala. Marami ang tuliro at may mga taong di masyadong makatulog dahil inaalala ang magiging sitwasyon ng mag-iina ko. Hindi ako nagkakamali dahil ito ang nararamdaman ko.

Ganito pala pakiramdam kapag malapit ng maging ama!

Waiting na kami...

1 comment:

  1. good luck sayo parekoy! This would be the most happy with a twist journey so be ready!!!

    come and join my link up so we can gain more friends!
    http://joandestacio.blogspot.com/2013/02/captured-thoughts-february-link-up.html

    thanks!

    ReplyDelete