February 21, 2013, ang due date sana ni Kajlil at magiging 42 weeks na ito. Ito ang araw na sana ay pagdedesisyunan na namin na gumamit ng pang-induce para lang siya lumabas. Masyado kaming nag-aalala dahil feeling namin masyado na siyang matagal sa loob.
Nagpaliwanag ang OB, na puwede namang mangyari iyon dahil ang counting nila ay sa last menstruation. Hindi naman nila alam ang tiyak na araw kung kailan naconceive ang isang fetus. Ang declaration ng maturity date ay para basehan lamang. Maaaring mapaaga o madelay pa ng ilang araw.
Welcome to the world baby Kajlil!
Ala una singkwenta'y otso ng hapon sa Pilipinas, 2 minuto bago alas nuebe ng umaga dito sa Saudi, iniluwal at nakita ni Kajlil ang mundo. Hudyat na buo na ang sarili kong pamilya. Hindi na masasabi na naglalaro lang kami ng bahay-bahayan. Kumpleto na. May tatay, nanay, at anak. Magbabago na ang tawagan namin ni Misis. "Mommy" at "Daddy" na para madaling gayahin ni baby.
Maraming salamat kay Misis dahil sa ipinakitang lakas ng loob at katatagan. Kinaya niyang maideliver ng normal si Kajlil dahil sa kagustuhang maranasan ang hapdi at sakit ng panganganak. Mahalaga sa kanya ang bawat karanasan mula sa pagbubuntis hanggang sa panganganak. Simula pa lang ito ng kalbaryo niya ng pagiging INA!
At higit sa lahat, taos puso kaming nagpapasalamat sa aming pamilya na walang tigil ang suporta. Sa lahat ng sakripisyo, dalangin at pag-aaruga sa aking mag-iina.Walang katumbas at ni kailanman ay di namin ito kayang bayaran.
Nakalabas na si Kajlil. Ang aming pag-aalala at mga katanungan kung bakit umabot pa siya sa maturity date na ibinigay ng doktor ay kinalimutan na. Ang mahalaga sa amin ngayon ay ang kanyang pagdating!
wow! Congrats ! Welcome sa Baby ^^ wish ko na lumaki siyang malusog at mabait na bata ^^
ReplyDeleteGodbless!
Super Congrats! Pareng James! Apat na araw na lang ka-birthday ko na! hehehe! Ang mga Pebrero tunay na malambing! (^o^,)
ReplyDelete