* Foreign Tourist.
Palakad lakad na animo'y bansa namin ang aming tinatapakan. Di naman kasing halata na kami ay turista. Nahahalata lang nila na kami'y turista sa aming pananalita. Katunayan, hindi man lang kami inalok nung nagtitinda ng Thai traditional na payong sa Bangkok at Pattaya. Gustong gusto naming bumili. Akala nila lokal din kami!
** A Backpacker.
Ang Khaosan Road sa Bangkok, Thailand ang pinakakilalang lugar ng mga Backpackers na nagmula pa sa ibang parte ng mundo. Dahil nakapunta na kami ni Misis sa Khaosan, official na naming matatawag ang sarili namin na Backpacker.
*** "The Anchor Boy"
"Ihulog na Dong", sabi ni Kuya Bangkero. Nag-iisa lang kasi akong lalake sa Island Hopping namin sa Digos, Davao del Sur. Ako na ang bagong katandemn ni Kuya. Ako ang tagahulog ng angkla (anchor) ng aming bangka.
**** The Lighting Man
Isa sa mga lugar na gustong puntahan, ang tinaguriang the Seven Wonder of Nature, ang Underground River ng Palawan. Dahil gustong mauna, front seat ang pinuntirya. "Sir, up, down, left, right, thats it!". Hawak namin ni Misis ang debateryang ilaw ng bangka. Minsan di na sinusunod ang guide.
***** Caving and spelunker.
Hindi namin napaghandaan ang adventure title na ito. Lalong lalo na ang zip line ng Ugong Rock sa Palawan.
Gapangan sa kweba, akyatan, at pabitin mula sa itaas ng bundok hawak ang paghinga hanggang makarating sa ibaba.
****** Rock climber with the best and romantic lunch picnic.
Matarik, mabato, mapanganib.
Maganda, masarap, nakakagigil.
Ang ganda ng lugar ng Pilipinas. Buong araw na island hopping, swimming, walking, climbing, frightening, at dining sa El Nido, Palawan.
******* House and family man.
Itinayo namin si Bangpat. Pamilyado na talaga ako. May asawa at may bahay. Di man kasingrangya ng isang milyonaryo pero mayaman naman ako sa pagmamahal daig pa ang isang bilyonaryo.
Monday, December 31, 2012
Saturday, December 15, 2012
Incoming Dad (Week 32)
Nagrereklamo na si Misis dahil ramdam na ang bigat ng tiyan.
"Kinabahan ako kagabi. Tumigas ang tiyan ko pati na si baby. Akala ko manganganak na ako."
Nag-aalala ako. Masyado pa kasing maaga para sa ganoong sitwasyon. Pero parang muscle strectching lang ang nagyari. Nagpapractice lang siguro ang bata.
Masyado na ring malikot ang baby. Umaalon alon ang tiyan ni Misis kapag nasilayan na gumagalaw ito. Nadadakma na rin ni Misis ang parte ng katawan. Lalo na tuloy kaming excited kahit kabado.
Nahihirapan na si Misis sa diet niya. Lalo na siyang lumubo ngayon. Masarap daw kasing kumain. Hindi niya mapigilan. Paano ba kasi lahat ng pagkain ay nasa Pinas na. Lalo pa ngayon, sunod sunod ang mga okasyon. Nasira ang diet niya.
"Kinabahan ako kagabi. Tumigas ang tiyan ko pati na si baby. Akala ko manganganak na ako."
Nag-aalala ako. Masyado pa kasing maaga para sa ganoong sitwasyon. Pero parang muscle strectching lang ang nagyari. Nagpapractice lang siguro ang bata.
Masyado na ring malikot ang baby. Umaalon alon ang tiyan ni Misis kapag nasilayan na gumagalaw ito. Nadadakma na rin ni Misis ang parte ng katawan. Lalo na tuloy kaming excited kahit kabado.
Nahihirapan na si Misis sa diet niya. Lalo na siyang lumubo ngayon. Masarap daw kasing kumain. Hindi niya mapigilan. Paano ba kasi lahat ng pagkain ay nasa Pinas na. Lalo pa ngayon, sunod sunod ang mga okasyon. Nasira ang diet niya.
Sabik sa KFC (Photo taken July, 2012)
Birthday ni Misis. Wala ako. Kahit isang beses hindi pa ako nakadalo sa birthday niya. Baka sa susunod na taon.
Happy Birthday!
Thursday, December 6, 2012
Incoming Dad (Week 30)
Back to text and chat na ulit kami ni Misis. Nakakapanibago. Halos pitong buwan ko nang hiniwalayan ang aking dual sim cellphone na Nokia X1 ngunit heto binalikan ko ulit siya. Hindi pwedeng mahiwalay nang matagal. Laging katabi at laging hinahanap.
Dati, kasama ako sa mga check up ni Misis sa hospital. Ang mga progress ni Kajlil ay sabay naming nalalaman. Ang mga bago niyang mga nararamdaman ay ako ang unang nakakaalam. Iba na ngayon, nagsosolo na si Misis sa hospital. Text and chat na lang kung kailan ako online.
Halos isang linggo kaming nagworry noong bagong dating kami sa Pinas. Dati namang aktibo kung gumalaw si baby ngunit biglang dumalang noong nasa Pinas. Hanggang sa pag-alis ko ay ganoon pa rin. "Baka pagod lang sa biyahe at dahil marami tayong ginawa dahil nga bagong dating." Naisip rin namin na baka naninibago ang baby sa loob. Sa mga bagong ingay at boses ng mga nasa paligid. May maririnig na siyang tahol ng aso at tilaok ng manok. Maraming na siyang maririnig na mga boses. Iyon nga lang may isang boses na hahanap-hanapin niya dahil saglit na mawawala. Ang boses ng tatay niya.
Dahil na rin sa pag-aalala, tinawagan ko si Misis. Kinumpirma ang kalagayan ng baby. Laking tuwa na lamang at nalaman na gumagalaw na ulit. Namiss lang siguro ni Kajlil ang taong laging kakuwentuhan ng nanay niya. Hyper na ulit si kajlil. Napapaihi pa minsan si Misis kapag tumadyak. Napakalakas na nitong sumipa.
Dumami at nadagdagan na rin ang complaints na naririnig ko kay Misis. Nangangalay, masakit, lumaki, lumapad, at marami pa. Hindi talaga biro ang magbuntis at ang sakripisyo ng babae. " Baka sabihin na nagrereklamo ako kay Kajlil. Hindi ha... Ang pagdating niya ay isang blessing na dapat ipagpasalamat."
Kaya ang tatay ni Kajlil ang tumatanggap sa lahat ng reklamo.
Subscribe to:
Posts (Atom)