Nasaksihan ko ang kaunting mga galaw ni Kajlil. Hinahawakan ni Misis ang kamay ko habang ipinapahimas ang gumagalaw na parte ng tiyan niya.
Mahilig sa martial arts ang baby sa ganitong panahon. Nagugulat si Misis sa mga flying kick at upper cut niya! Nararamdaman ang mga paggalaw nito. Malamang nakakarinig na rin, dahil lalo siyang magalaw kapag may ingay. Tulad na lang noong nagvideoke kami sa bahay ng isa kong kasamahan sa trabaho. May kantahan, may tawanan, at may kulitan ng mga bata. Mga posibleng dahilan kung bakit siya sobrang magalaw? Gusto niya sigurong makisama sa kasayahan o diring diri siya sa mala-porselanang boses ng mga magulang niyang kumakanta.
Lalong lumaki ang tiyan niya ngayon. Halos tatlong kilo ang nadagdag sa timbang niya. Nagrereklamo na siya ng pangangalay ng balakang at mabigat na ang tiyan lalo na kapag nakahiga nang nakatihaya. Nakatigilid na siya kung bumangon sa higaan.
Binisita na rin namin ang OB gyne. Maliban sa mga vitamins ay binigyan din siya ng gamot para sa sipon. "Is the baby sleeping, Doc?" tanong ni Misis kay Dr. Ritzwana. "No, awake", sagot ng doktora. Tulad ng inaasahan, normal ang kondisyon ni baby. Magiging maayos ang pag-uwi nila sa Pinas sa susunod na buwan.
Ipinasyal ko na rin sa Misis sa Al-Khobar. Ipinakita sa kanya ang King Fahad Causeway, ang friendship bridge na nagdudugtong sa bansang Saudi Arabia at Bahrain. Dumaan na rin kami sa tabing dagat na maraming nagpipiknik na pamilya ng mga Arabo. May camel at ATV na nakita niya first time. Kahit gustong gusto niyang sumakay ay hindi maaari. Alok nang alok ang mga Arabo para sumakay ngunit sinasabihan ko na "Pregnant". Papicture na lang muna. Ito ay para mapangalagaan ang baby.
Tuesday, October 16, 2012
Monday, October 1, 2012
Incoming Dad: Week 20
Nakapagpahinga na mula sa araw na araw na pagsususka. Lumubo na ang tiyan at di na maikukubli pa. Buntis na nga! Bumalik na ang gana niya sa pagkain kaya medyo matakaw na kami sa kanin. Kailangan ko na ring bumili ng maraming pagkain na maitago sa ref. May madalas kasing nagugutom. Healthy ang pagkain dahil halos prutas ang binibili ko at umiiwas muna sa mga pagkaing may preservatives.
Araw-araw lumalaki na si baby. Animo'y may kargang bola ng basketball si Misis.Nakausli na yong pusod niya! Noong dalaga siya, malamang ipinagmayabang niya iyon. Tama nga iyong nabasa ko sa internet. Sa pang-apat na buwan, makikisabay na sa pagkain si baby. Ang bawat sustansiya na nakakain ng Ina ay malaking porsinyento ang napupunta sa bata. Bumalik na rin siya sa pag-inom ng gatas para sa buntis. Dati kasi nahihilo siya tuwing umiinom nito.
Nararamdaman na rin ang galaw ni baby. Nararamdaman ni Misis. Ikinukwento niya lang sa akin kasi di ko naman nararamdaman. Kinakapa ko lang at inaabangan. Kaso ayaw yatang tumadyak kapag nariyan ako. Nagagalit siguro kasi lagi kong kinakantiyawan ang bagong pigura ng nanay niya. Di bale, mag-aabang pa rin ako kung kailan niya gusto.
Ang palayaw ni Baby ay si Kajlil ( pronounced as Kalil) for "little karen angelie and james" . Ito iyong unisex na pangalan na nagustuhan namin.Maraming salamat sa mga nagbigay ng entries at congratulations kay Mother sa napakagandang pangalan na ibinigay.
Araw-araw lumalaki na si baby. Animo'y may kargang bola ng basketball si Misis.
Nararamdaman na rin ang galaw ni baby. Nararamdaman ni Misis. Ikinukwento niya lang sa akin kasi di ko naman nararamdaman. Kinakapa ko lang at inaabangan. Kaso ayaw yatang tumadyak kapag nariyan ako. Nagagalit siguro kasi lagi kong kinakantiyawan ang bagong pigura ng nanay niya. Di bale, mag-aabang pa rin ako kung kailan niya gusto.
Ang palayaw ni Baby ay si Kajlil ( pronounced as Kalil) for "little karen angelie and james" . Ito iyong unisex na pangalan na nagustuhan namin.Maraming salamat sa mga nagbigay ng entries at congratulations kay Mother sa napakagandang pangalan na ibinigay.
Subscribe to:
Posts (Atom)