Friday, July 20, 2012

Fighting Morning Sickness

Nahihilo at nasusuka.


Lagi na na lang siyang ganito. Normal lang daw ito sabi ng mga kasamahan ko kaya walang dapat ipag-alala. Ang kaso, di ko siya matiis na araw araw ay halos hinahalikan niya ang inidoro dahil sa pagsusuka.
Lahat ng pagkain na naisuka niya ay ayaw na niyang kainin ulit tulad na lang ng Pringles at oranges na hanggang ngayon ay di pa maubos. At saka yong isang box ng salted peanuts na halos kaunti na lang ang itinira sa akin ay isinuka din niya. Kung minatamis sana e peanut butter na yon. Yong ulam din. Ang pinaghirapan mong lutuin ay isinuka lang. Nakakainis, nakakaawa at nakakatawa. Minsan kasi nakabitin pa yong isinukang kanin sa buhok niya.
Noong isang araw, humiling siya ng burger. Mula sa trabaho dumaan ako sa fast food chain para bumili ng dalawang big sized beef burger. Pagdating, hinati muna namin ang isa kasi parang di kayang ubusin. Nasa isip ko, na kapag isinuka niya ito, di na niya kakainin. Ibig sabihin, ako na ang uubos ng burger! Sarap! Ilang minuto, naubos na rin ang burger. Himala! Dahil sa tuwa, ibinigay ko na rin sa kanya ang isa para kainin niya. Burger lang pala ang katapat ng pagsusuka niya. Kaso di pwedeng laging burger. Tataas ang mga cholesterol namin at bababa ang moral ng bulsa ko.
Nabasa ko sa internet na may advantages din pala ang morning sickness para sa condition ng baby at sa delivery. Kaya parang nakakagaan ng damdamin na normal lang pala ito. Noong nakaraang linggo, panay ngumunguya ng candy at ngayon ay luya naman para maibsan ang kalagayan ng sikmura niya. Panay na rin siyang may baon na tubig at Skyflakes sa higaan. Kaya di na nakapagtataka na sa kalagitnaan ng tulog ay may katabing kumakain nang nakahiga. Nagugutom daw kasi. May ubas din na panghimagas niya. Mas mura kasi dito ang ubas kaysa sa mangga.
Naglalaway na rin siya. Panay napapaginipan at gustong gustong kainin. Ang litsong baboy at "batchoy" na wala naman dito sa lugar namin.

2 comments:

  1. Kakaaliw naman James! Super excited ka na! Sayang wala man lang akong tips na maibigay sa'yo. Hahaha! =)

    ReplyDelete
  2. salamat au. next time baka meron ka nang maibigay..

    ReplyDelete