Wednesday, November 30, 2011

Shoe and Bouquet

Groom
Bride


















 
A Day to Remember!
  
"Dati tinatanong ko kung bakit umiiyak yong mga ikinakasal sa simbahan.
Marami akong agam agam at mga pabirong rason kung bakit dumadaloy ang mga luha sa pisngi nila.

Kaya noong ikinasal ako noong Abril 30, sa taong ito. Sabi ko sa sarili ko na di ako gagaya sa kanila. Taas noo akong nagmartsa papunta sa altar kasabay ng aking mga magulang para simulan ang sagradong kasalan. Nakangiti at masaya dahil ito na ang araw na magiging pormal ko nang pag-aari ang babaeng iniuugnay sa aking puso.

Iba pala ang pakiramdam ng ikinakasal! Para kaming Hollywood idols. Lahat nakatitig sa amin.
Sagrado nga ang kasalan, masyadong tahimik. Sinulyapan ko ang likuran namin. Maraming tao. Ibig sabihin malalaking pamilya nga ang ipinagbuklod namin.

Isang oras, natapos na rin ang misa at seremonya. Natapos na rin ang eksenang kiss the bride. Nagpalakpakan. Ang iba humirit ng isa pa kaya pinagbigyan.Lahat masaya. Sabi ko na nga ba, di ako umiyak. Dahil wala namang ikakaiyak sa mga eksena.Wala din namang malungkot na sinabi ang pari na makakatusok ng damdamin at emosyon.At kung meron man, di niya ako kayang palambutin. Matigas ako!

Hudyat na para lapitan at pasalamatan ang aming mga magulang.Nagyakapan at nagbigay ng mga tagubilin. Mga salitang nagpapahintulot sa akin na pag-aari ko na ang taong pinag-iingatan at pinakakamamahal nila. May bahid ng luha ang kanilang mga mata. Halatang pinipigilan ang pagdaloy nito.Ramdam ko sa kanila ang kalungkutan. At dito na nagsimulang umagos ang malamig na tubig mula sa aking mga mata ."


Thursday, November 24, 2011

A Day in Pearl Farm

Our first out of town together on May 2010.


Houses built on the water.

A good morning..

Infinity pool with Parola bar

Hillside "Balay" accomodation
Pearl Farm Beach and Resort is one among best resorts located on Samal island in Davao.

Jonalyn, Ruby May and her daughter Ruro with us in Pearl. Snorkeling and island hopping.


                                                                                                                                                                                                                                                                                            

"Pearl Farm is a private resort which helped me to relax. I admit that its quietly expensive but my stay there for two days is worth for the price. A breath taking scenarios of beach, Parola bar, Malipano island, and famous Mount Apo."


Wednesday, November 16, 2011

A Life's Vision

 June 30, 2006,  Bataan.
Katulad ng pangarap ng isang makipot na ilog,
Na ang tanging hangad ay marating ang bughaw na dagat.
Malalim man o mababaw ang problemang makakaharap,
Ito'y makakaraos at makahanap ng lusot
Upang agos ay malaya at DESTINASYON ay maabot!

Sa lahat ng pagsubok, sa Panginoon ako'y yayapos.
Mga pansamantalang bagay, tanging sa Kanya ko iaalay.
Kahit aking kahilingan, pangarap at tagumpay,
"Salamat" ay di sapat sa Kanya'y maibigay.

Ang pag-aagusan ko'y may mapiling kasama.
Karamay sa habambuhay, sa hirap man o ginhawa.
Magsisilbing inspirasyon at mapag-arugang ina,
Sukli ko'y pagmamahal at responsableng asawa.

Sa aming mga anak na lalaking mapagmahal,
Aking sisikapin at buong pusong ibibigay,
Mga pangangailangang materyal man o emosyunal,
Upang ako'y maipagmalaki at inyong tularan.

At sa lahat ng taong aking nakilala,
Kapamilya, kaibigan o sa trabaho ay kasama,
Aking pipilitin na sa inyo'y magpakilala,
Mapagkumbaba na may kabutihang dala.