Ang mommy niya.
Wala munang softdrinks at juice si baby. Mahigpit na ipinagbabawal ng kanyang ina ang pagkaing masyadong matamis at maalat. Ganoon din ang mga mamantikang sabaw katulad ng galing sa karneng baka.
Minsan sinubuan ko ng juice mula sa tetrapack, napagalitan ako ni Misis. Puwede raw ang juice pero iyong natural na piniga mismo galing sa prutas.
Unang pagkain niya ay nilagang pumpkin na hinaluan ng gatas niya. Masigla namang kumain kaso kakaunti pa lang. At dinurog muna ang gulay nang pino bago ipinasubo sa kanya.
Naglevel- up na pala kami ng gatas. Stage 2 na ang formula milk niya, 6 months up to 1 year. Puspusan na rin ang paglipat niya sa bote. Nawawalan na kasi ng gatas ang dede ni Misis. Sa katunayan, tuwing gabi na lamang ang scheduled breastfeeding sa kanya.
Practice. Unang pinasubo ang powdered formula milk. |
Unang inihain. Boiled pumpkin mixed with his formula milk. |
Unang subo, higop kaagad! |
Ang dungis nang tingnan... |
Tumigil na. Marami pang natira. |
Ganito na ang mga sumunod na subuan. |
Sa sinabawang gulay o isda naman, kinukuhanan na si baby ng parte bago lagyan ng mga pampalasa ang mga niluluto. At sinisigurado muna na talagang luto at hindi hilaw ang pagkain na ihahanda namin kay baby.
Nakakatuwa naman, pare. Diary of a father na dapat title ng blogsite mo. =)
ReplyDeleteOO nga e. Pampamilya daw itong blogsite na ito.
ReplyDelete