Monday, July 22, 2013

INA sa mata ng isang AMA

Kada buwan, hindi nawawala ang ice cream. Nagcecelebrate kami!
Five months na siya at ang bilis ng panahon! Kung dati sobrang ingat kami kapag binubuhat siya. Inaalalayan pa ang kanyang leeg at likod. Ngunit ngayon, hinihila na lang kapag gustong kargahin kapag nasa kabilang parte siya ng kama.

Masayahing bata. Ang ngiti niya pagkagising ay nagpapahiwatig na buhay na buhay ang kamalayan niya. Ang saya pagmasdan na buhay at lumalaban kapag iyong hinahalikan at kinikiliti. Tumatawa at may reaksiyon na ito. Hindi katulad dati na nagtitiyaga lang kami sa malambot na Teddy Bears.

Namaster niya na ang magpagulong para makapagpalit ng puwesto at pumili ng matatabihan sa pagtulog. Sumasabay na rin ang kanyang mumunting daliri kapag inaawit namin at ginagawa ang "Close Open" ng palad. Madaling matuto.

 Look, Grandma...suot na ni Kajlil ang binili mong sandal!
Sa pag-aalaga ng bata, tumutulong ako. Dahil kami lang namang mag-asawa ang magkasama. Walang mga kamag-anak na hahalili sa pagbabantay. Isa pa, bilang isang tatay, mahalagang matutunan ko ito. Hindi nga lang sa lahat ng oras dahil sa trabaho.

Sa hanay ng mga kalalakihan, iniisip natin ito'y madaling gampanan ng isang babae. Minsan, nagrereklamo pa tayo, lalong lalo na pagdating galing sa trabaho, kung bakit parang walang nagawang trabaho ang mga asawa natin. Bakit hindi nakapaglinis o nakapaglaba man lang? Ang init ng ulo galing sa trabaho ay lalong nag-aalab dahil sa nadatnan sa bahay.

Hindi talaga natin ito mauunawan kung tayong mga lalaki ay hindi "hands on" sa pag-aalaga ng bata. Ano bang magagawa ni Misis, kung tulog manok ang anak mo sa umaga. Kung gusto ay laging magpakarga at makipaglaro. Papaliguan, bubusugin, lalaruin, at patutulugin. Kung ang bakanteng oras mo lamang ay magluto. Tuwing kakain naman ay may nagrereklamo dahil gusto na ulit ni baby na magpakarga. Ni maligo o umihi minsan nga ay hindi magawa.

Sa gabi naman ay hindi magawang diretso ang tulog. Dahil paminsan minsan, may baby kang inalalayan. Aayusin ang pagkakahiga o di kaya ay kukumutan. At ang pampatulog na gatas na laging hinihingi habang sinasabayan ng mga haplos sa likod.

Iyan ang ginagawa ni Misis. Hindi namin sinanay sa duyan si baby at dahil breast feed, kailangang sabayan siya sa paghiga. Kaya kadalasan at di maiwasang dalawin ng antok at nakakaidlip si Misis.

Kaya saludo ako sa mga NANAY sa sakripisyong ginawa para sa mga anak nila.

3 comments:

  1. This is a very thoughtful post about your wife's sacrifices. Sana, lahat ng lalaki ay nakikita ang mga nakikita mo. Sana, lahat ng lalaki ay kasing sensitive mo sa kalagayan ng mga wife na naiiwan nila sa bahay. That way, mas maraming misis sa mundo ang magiging mas masaya, at mas maraming pamilya ang mananatiling buo.

    Congratulations for having a great wife and congratulations sa milestones ng baby ninyo.

    Miss N of
    http://nortehanon.com

    ReplyDelete
  2. Good on you, pareng James! Mahaba naman ang pasensya mo eh. Regards kay mare! at ang cute ni Kajlil! God Bless!

    ReplyDelete
  3. hehehe..nice one kuya james..hehehe..ipabasa ko ni sa balay..esp sa mga boys for future inspiration nila...hehehe

    ReplyDelete