Nakapagdesisyon na ako na hindi sasabihin para di siya mag-aalala. Baka mapaanak siya ng wala sa oras dahil kung saan napunta ang asawa niya.
May pupuntahan lang akong lugar.
Heto ang mga dadalhin ko.
Wallet - dapat may pera
Notebook and pen - data recording
Cellphone - dapat may load
Flashlight - fully charged
Camera - para pangsouvenir
GPS and MAP - para di maligaw.
Sasabihin ko na lang kapag nakabalik na ako.
Saan ba ako pupunta? Dito sa lugar na ito!
___________________________
Bumigat pa lalo si baby noong huli nilang check up. Nasa 2.1kg na ang timbang niya. Aabot pa sa 2.5 to 2.6 ang target weight ni baby hanggang sa ready na siyang lalabas. Lalo pang nahihirapan si Misis dahil sa kalagayan niya. Minsan, kailangan pa niyang humingi ng tulong kapag gustong bumangon.
Ilang araw na lang ba ang hihintayin namin? Nagbibilang...
Thursday, January 17, 2013
Sunday, January 6, 2013
Incoming Dad (Week 34)
Natapos na rin ang mga activities para sa nakaraang taon. Wala nang rason kung bakit napadami ang kain ni Misis. Sino ba naman ang hindi maeengganyong kumain sa pasko, sa pista, sa reunion, at sa bagong taon! Kaya sa mga nagpapapayat, sira ang diet routine nila tuwing Disyembre.
Nagkuwento si Misis sa nakaraang linggo niyang schedule sa clinic through text, ang normal na communication way ng mga nasa long distance relationship.
Nagulat daw si Doki na malaki ang tiyan niya. Nang iultrasound na, pasok pa sa normal na 1.9kg na timbang si baby. Sinabihan din daw siya na huwag masyadong kumain para hindi masyadong lumaki. At tulad ng dati, tagubilin pa rin ni Doki ang pag-iwas sa salty and fatty foods, sweets, at softrinks.
Tinanong din niya si Dok kung puwede bang normal delivery. Puwede daw sagot ng doktora. Bata pa naman si Misis at basta huwag lang daw damihan ang kain.
Masyadong naiinitan si Misis sa ngayon. Iyon ang lagi niyang daing. Malamig naman ang lugar nila kahit walang aircon. At iyong paa na namamaga at nangangalay kapag napsobra ang lakad o natagalan sa pagkatayo. Kailangan pang itaas sa upuan at imassage.Kaso wala nga pala ako doon. Walang magmamasahe!
Hinihingal na rin siya. Parang napagod gayong wala namang trabaho.Siya ang nagsabi ng ganoon. Iba talaga ang pakiramdam ng buntis. Hindi madali!
Nakahanda na ang mga gamit ni Kajlil. Nakalagay na sa bag ang mga bagong labang damit at mga kakailanganin niya sa hospital. Hinihintay na lang namin ang kanyang pagdating. "Masyadong magalaw si Kajlil, parang gusto na niyang lumabas. Pero huwag muna, masyado pang maaga!"
Panalangin namin na sana huwag magmadali at sana sa tamang gulang si Kajlil bago lumabas.
Nagkuwento si Misis sa nakaraang linggo niyang schedule sa clinic through text, ang normal na communication way ng mga nasa long distance relationship.
Nagulat daw si Doki na malaki ang tiyan niya. Nang iultrasound na, pasok pa sa normal na 1.9kg na timbang si baby. Sinabihan din daw siya na huwag masyadong kumain para hindi masyadong lumaki. At tulad ng dati, tagubilin pa rin ni Doki ang pag-iwas sa salty and fatty foods, sweets, at softrinks.
Tinanong din niya si Dok kung puwede bang normal delivery. Puwede daw sagot ng doktora. Bata pa naman si Misis at basta huwag lang daw damihan ang kain.
Masyadong naiinitan si Misis sa ngayon. Iyon ang lagi niyang daing. Malamig naman ang lugar nila kahit walang aircon. At iyong paa na namamaga at nangangalay kapag napsobra ang lakad o natagalan sa pagkatayo. Kailangan pang itaas sa upuan at imassage.
Hinihingal na rin siya. Parang napagod gayong wala namang trabaho.
Nakahanda na ang mga gamit ni Kajlil. Nakalagay na sa bag ang mga bagong labang damit at mga kakailanganin niya sa hospital. Hinihintay na lang namin ang kanyang pagdating. "Masyadong magalaw si Kajlil, parang gusto na niyang lumabas. Pero huwag muna, masyado pang maaga!"
Panalangin namin na sana huwag magmadali at sana sa tamang gulang si Kajlil bago lumabas.
Subscribe to:
Posts (Atom)