Monthly check-up ulit namin kay Dr. Ritzwana. Week 18 nang pagbunbuntis. Fresh pa ang mood ni doktora at ngumingiti pa noong nakasalubong namin sa corridor ng ospital. Nasorpresa kami na kami ang first client niya sa araw na iyon. Kitang kita na namin ang baby sa ultrasound. Halos kumpleto na ang porma ng katawan niya. Nakahinga at masaya kami dahil normal lahat ang laboratory tests na ginawa sa kanya. Sinabihan ni Misis ang doktor na huwag kaming sabihan sa sex ng baby. Hinhintayin na lang namin sa paglabas niya. "Doc, just whisper it to me, I want to know", hirit ko sa Indian doctor. "No...", sagot niya. Si doktora talaga! Talo ako sa kaso dahil hindi ako pinanigan ng korte. Ganunpaman, ayos lang ang ganoon. Araw araw excited. Girl ba talaga si baby o Boy?
Natutulog siya habang gumagawa ako ng blog para entry ko sa isang blog award contest. Napansin ko na lamang na nagising siya at nakatayo sa may pintuan. Sinasabi niya na ang sama daw ng panaginip niya. Hindi ko iyon pinansin kasi ganyan naman siya. Laging may ikinukwento kapag bagong gising mula sa mga napaginipan niya. Ganoon talaga yata ang first time na buntis. Maraming pumapasok sa isipan kaya laging may napapanaginipan. Lumapit siya at tumabi sa akin. Niyakap ako mula sa likod. Naglalambing ang asawa ko sa isip ko. Tapos biglang may narining akong impit na boses. "Anong nangyayari sayo?" Pinaharap ko sa akin ang mukha niya. Tumutulo ang luha, umiiiyak. Ang pangit daw kasi ng panaginip niya. May babae daw ako. Natawa ako kahit malamais ang mga butil ng luha niya. Sineryoso niya talaga ang panaginip niya. "Panaginip lang yon! Inaakusahan mo pa akong babaero kahit sa panaginip, napakaunfair naman!..",pabiro kong sabi. Napakadrama ang dating ngunit comedy para sa akin.
No comments:
Post a Comment