Saturday, September 29, 2012

Searching Baby's Nickname

Mahirap palang mag-isip at pumili ng pangalan kung anak mo na ang pinag-uusapan. Kaya naisipan naming mag-asawa na magpatulong sa kapamilya. May dalawang pangalan na kami na nakareserve kay baby. Isa na pambabae at isang panglalake. Palayaw na lang ang aming hinahanap kaya todo bigay at suporta ang aming mga pamilya sa paghahanap ng magandang palayaw sa paparating na miyembro ng pamilya.


Search for the Baby's nickname final entries!

Paul entries: Unique

Intoy entries: Glaizer

Lolek entries: Zohan, Yuri, Jamien

Kodi entries: Jenda, Rhys

Mother entries: Kaj, Kajlil, Gloja, Tatjun, Tatjune, Anja, Hendel

Joan entries: Eoj, Ae, Rijn. Jiadney, Luan, Cephie

Inday entries: Axelle, Jarenn

Denden entries: Aikee, Aizzy, Sheoun, Aldelie, Kolbie

Girlie entries: Keziah, Kevenn, Exzzel, Maigne, Xyrelle, Myrix

Kendy entries: Cailin, Caden


Monday, September 17, 2012

A Womanizer

Monthly check-up ulit namin kay Dr. Ritzwana. Week 18 nang pagbunbuntis. Fresh pa ang mood ni doktora at ngumingiti pa noong nakasalubong namin sa corridor ng ospital. Nasorpresa kami na kami ang first client niya sa araw na iyon. Kitang kita na namin ang baby sa ultrasound. Halos kumpleto na ang porma ng katawan niya. Nakahinga at masaya kami dahil normal lahat ang laboratory tests na ginawa sa kanya. Sinabihan ni Misis ang doktor na huwag kaming sabihan sa sex ng baby. Hinhintayin na lang namin sa paglabas niya. "Doc, just whisper it to me, I want to know", hirit ko sa Indian doctor. "No...", sagot niya. Si doktora talaga! Talo ako sa kaso dahil hindi ako pinanigan ng korte. Ganunpaman, ayos lang ang ganoon. Araw araw excited. Girl ba talaga si baby o Boy?

Natutulog siya habang gumagawa ako ng blog para entry ko sa isang blog award contest. Napansin ko na lamang na nagising siya at nakatayo sa may pintuan. Sinasabi niya na ang sama daw ng panaginip niya. Hindi ko iyon pinansin kasi ganyan naman siya. Laging may ikinukwento kapag bagong gising mula sa mga napaginipan niya. Ganoon talaga yata ang first time na buntis. Maraming pumapasok sa isipan kaya laging may napapanaginipan. Lumapit siya at tumabi sa akin. Niyakap ako mula sa likod. Naglalambing ang asawa ko sa isip ko. Tapos biglang may narining akong impit na boses. "Anong nangyayari sayo?" Pinaharap ko sa akin ang mukha niya. Tumutulo ang luha, umiiiyak. Ang pangit daw kasi ng panaginip niya. May babae daw ako. Natawa ako kahit malamais ang mga butil ng luha niya. Sineryoso niya talaga ang panaginip niya. "Panaginip lang yon! Inaakusahan mo pa akong babaero kahit sa panaginip, napakaunfair naman!..",pabiro kong sabi. Napakadrama ang dating ngunit comedy para sa akin.

Friday, September 14, 2012

Taking a Bath


Matamlay na animo'y sasama ang pakiramdam. Humiga sa kama at naidlip. Dinadaan na naman sa tulog ang pagliligo! Third day niya na walang ligo! Hindi rin niya maintindihan kung bakit perwisyo sa kanya ang maligo. Ipinagpaliban muna ang naunsyaming activity ngunit kinabukasan ay naligo na rin siya. Umabot ng isang oras sa banyo.

Takam na takam siya sa hinog na mangga. Hindi lang siya nagsasabi pero nahalata ko siya nang laking tuwa at sumigaw ng "may mangga!". Laking gulat ko kung paano nagkaroon ng mangga sa pinamili ko. Yung patatas kong binili kahawig ng mangga!  Hindi siya nagrequest ngunit dahil available naman sa grocery store nung namalengke ako ay binilhan ko na. Pumili ako ng dalawang pirasong mangga imported galing sa Pinas worth 15 riyals. Mapapamura ka sa presyo kapag ikinonvert. Mahigit 150 pesos ang presyo ang kalahating kilo. Noong Mayo, nakabili ako sa Pinas ng 10 pesos ang isang kilo. Kung mangga ang ipinaglihian niya, malamang lalo akong mamulubi.


  Nagsimula na kaming magpagala-gala sa mga Children's and Babies Shops. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong shop dito sa Ladies Market kasi ngayon lang din ako nagkafamily status. Nakakatuwang pagmasdan ang mga damit na pambata at baby cribs. Ngunit di pa kami pwedeng bumili, masyado pang maaga. Kumbaga, canvass lang muna para sa susunod alam na namin kung ano ang bibilhin.
The Search is On. Pati ako sumali. Ano kaya ang pwedeng maging palayaw ng baby?