Nahihilo at nasusuka.
Lagi na na lang siyang ganito. Normal lang daw ito sabi ng mga kasamahan ko kaya walang dapat ipag-alala. Ang kaso, di ko siya matiis na araw araw ay halos hinahalikan niya ang inidoro dahil sa pagsusuka.
Lahat ng pagkain na naisuka niya ay ayaw na niyang kainin ulit tulad na lang ng Pringles at oranges na hanggang ngayon ay di pa maubos. At saka yong isang box ng salted peanuts na halos kaunti na lang ang itinira sa akin ay isinuka din niya. Kung minatamis sana e peanut butter na yon. Yong ulam din. Ang pinaghirapan mong lutuin ay isinuka lang. Nakakainis, nakakaawa at nakakatawa. Minsan kasi nakabitin pa yong isinukang kanin sa buhok niya.
Noong isang araw, humiling siya ng burger. Mula sa trabaho dumaan ako sa fast food chain para bumili ng dalawang big sized beef burger. Pagdating, hinati muna namin ang isa kasi parang di kayang ubusin. Nasa isip ko, na kapag isinuka niya ito, di na niya kakainin. Ibig sabihin, ako na ang uubos ng burger! Sarap! Ilang minuto, naubos na rin ang burger. Himala! Dahil sa tuwa, ibinigay ko na rin sa kanya ang isa para kainin niya. Burger lang pala ang katapat ng pagsusuka niya. Kaso di pwedeng laging burger. Tataas ang mga cholesterol namin at bababa ang moral ng bulsa ko.
Nabasa ko sa internet na may advantages din pala ang morning sickness para sa condition ng baby at sa delivery. Kaya parang nakakagaan ng damdamin na normal lang pala ito. Noong nakaraang linggo, panay ngumunguya ng candy at ngayon ay luya naman para maibsan ang kalagayan ng sikmura niya. Panay na rin siyang may baon na tubig at Skyflakes sa higaan. Kaya di na nakapagtataka na sa kalagitnaan ng tulog ay may katabing kumakain nang nakahiga. Nagugutom daw kasi. May ubas din na panghimagas niya. Mas mura kasi dito ang ubas kaysa sa mangga.
Naglalaway na rin siya. Panay napapaginipan at gustong gustong kainin. Ang litsong baboy at "batchoy" na wala naman dito sa lugar namin.
Friday, July 20, 2012
Wednesday, July 11, 2012
Incoming Dad ( Paglilihi)
Nadelay ang tanghalian namin. Tatapusin pa muna ang live telecast ng necrological mass ng namayapang komedyante na si Dolphy sa Manila. Kahit papaano, nakiramay at nakapagsimba kami kahit sa telebisyon man lang.
Ilang beses nang Milo ang hinahalo niya sa kanin para ulam. Minsan kasi ayaw niya sa mga luto ko. Di na rin siya kumakain ng paborito niyang hipon. Nagalit pa nga noong bumili ako ng isang kilo. Nakalimutan ko kasi na HATE niya na pala ang hipon.Nagpabili ng alimango dahil takam na takam daw siya.Ngunit katulad din ng ibang pagkain na hinahanap, kaunti lang ang kakainin. Napilitan tuloy akong ubusin ang maraming hipon at alimango na ipinamalengke ko. Di pa naman ako mahilig sa mga ganoong pagkain. Gayunpaman, natutunan kong magluto ng hipon at alimango na ibinabad sa butter. Mag-iisip pa ako ng ibang putahe para kahit paano ay ganahan naman ako.
Walang araw na di nagsusuka. Kahit sa pagtulog, ginigising siya ng sikmura niya. At dahil doon, parang nauubos ang lakas niya. Katunayan, isang beses, nakapagbreakfast kami on bed. Di kasi siya nakabangon kinaumagahan. Salamat na lang at may mga kaibigan siyang nasa ospital at parating online sa skype. Nakahingi ng saklolo, reseta at advise.
Marami na siyang ayaw amuyin. Ayaw niya ang amoy ng prito sa kusina.Kaya nasa maximum power ang blower sa kusina para maubos kaagad ang amoy bago kami kakain. Matagal ko na ring alam na ayaw niya sa PERFUME ko. Ayos lang yon dahil minsan lang naman ginagamit! Ngayon. ayaw na rin niya sa amoy ng brand ng tooth paste at lotion na ginagamit ko. "Pasensiya na ha, maarte na talaga!". Huwag naman sanang dumating ang araw na pati ako ayaw na niyang makatabi!
Marami na rin siyang nirereklamong sakit. Sakit sa batok at likod. Marahil dahil sa kakahiga. Sa ngayon nga, sa sahig na kami humihiga. Malambot daw ang kama kaya lalo siyang nahihilo. Sinabayan ko na rin kaysa naman magsosolo siya sa lapag. Nagrereklamo din siya na malamig ang aircon at kapag inadjust naman ay naiinitan.
Naiintindihan ko naman kaya di ako nagrereklamo.
Nabubulok na mangga sa supot! |

Subscribe to:
Posts (Atom)