Tuwang tuwa kami nang malaman na namumuo na siya! "Yeah, forming", sabay tagilid ng ulo ng Indian ob-gynecologist ng ospital. Ito ang una naming consultation sa isang family clinic. Di pa niya masyadong maipaliwanag ang kalagayan ng baby, masyado pa kasing maliit. Nahirapan nga siya sa paghahanap gamit ng ultrasound. Six to seven weeks pa lang kasi.
Naaawa ako sa kalagayan ng asawa. Di pa kasi bumabalik ang panlasa niya sa pagkain. Alok ako nang alok ng mga pagkain sa kanya kaya naiinis kung minsan dahil wala nga siyang gana. Pinipilit niya na lang ang sarili na kumain kahit na kaunti dahil nga may umaasa sa kanya. Nag-umpisa na akong bumili ng folic acid at gatas para sa buntis. Naghahanap ng Anmum, e kaso wala naman dito kaya ibang brand ang nabili.
Bawat araw nasusuka at nahihilo ngunit pinipilit pa rin niya na magluto tuwing umaga para sa agahan ko. Di rin yata epektibo ang gamot na nireseta ng doktor para sa pagsusuka niya. Mas gusto niya ang laging nakahiga dahil di niya naiintindihan ang nararamdaman niya. Lagi niyang kinokontak ang nanay at mga kaibigan niyang babae para makahingi ng payo pero talagang normal ang nararamdaman niya para sa isang nagdadalantao.
Kahapon, naghahanap siya ng maasim kaya sinipsip niya ang bote ng sukang Datu Puti sa kusina. Akala ko psychological lang yong sinasabing paglilihi. Naghahanap ng mangga, chicharon, spaghetti at palabok. Yun daw ang walang gana pero ang daming pagkaing hinahanap! Kaya sinuyod at naghanap sa mga groceries ng hilaw na mangga at chicharon. Yon lang muna dahil alam ko hanggang tingin lang yon. Katunayan, isa lang yong nakain niyang mangga sa anim na pirasong nabili ko. Yong iba yata, papahinugin na lang. Yung chicharon nga nasa plastic pa, di man lang ginalaw.
No comments:
Post a Comment