Sa loob lamang ng isang buwang bakasyon, apat na malalayong bayan ang aming napuntahan.
Pinayuhan kami na limitahan ang paggala kapag may kasamang bata. Naninibago pa kasi sa lugar ang anak namin. Ang abilidad ng matatanda na umayon nang mabilisan sa klima at panahon ng isang lugar ay malamang hindi kaya ng bata.
At sa halip na purong pagsasaya sa aming mga napuntahang lugar ang maramdaman ay nahaluan ito ng pag-aalala. Lagi kaming may baon na gamot. Hindi kasi maiwasan na magkaroon ng sipon o di kaya sinat lalo na sa gabi. Ang paggala namin ay naayon sa kalagayan ng bata. Hindi kami makapagsimula nang maaga o pahabain ang gala sa gabi dahil ang oras ng bata ang sinusunod
Hindi na kami nakakasali sa mga "group tour". Kami mismo, isang pamilya, ay matatawag na isang grupo. May mga pangangailangan na hindi maintindihan ng mga nagsosolo sa buhay.
1st Week: Bare foot walking in Gumasa Beach, Sarangani Province.
2nd Week: Landed safely and took picture of Mactan Bridge in Mactan, Cebu.
3rd Week: Visited nature beauty of natural Lake Sebu in South Cotabato.
4th Week: Hopped in the paradise island of Camiguin.