Tinanong ko si Misis kung bakit dalawang trolley bag ang aming bagahe papuntang Bahrain samantalang ilang araw lang kami doon. Ito ang sagot niya, "Hindi mo puwedeng gawing backpacker si Kajlil!"
Ang dami naming dala. Nandiyan ang mga feeding bottles, diapers, ilang set ng damit niya, sterilizer na sobrang laki ng space ang nakuha sa bag, bote ng tubig, at mga abubot tulad ng lotion, wipes, at marami pang iba.
Hindi na pala ito isang ordinaryong biyahe. Hindi na maaring masunod ang gustong itinerary. May iisipin nang kapakanan ng bata.
Maliban sa Pilipinas, ito ang unang bakasyon niya sa ibang bansa. Ewan ko lang kung matatandaan niya ito. Ang mahalaga, masaya siya. Ang lakas ng tawa niya habang tumatakbo sa malawak na damuhan. Pati tuloy ang ibang tao, nakakahalata. Madalang lang kasing lumabas ng bahay sa Saudi.
Gumala kami, hindi dahil sa gusto namin. Lumalabas kami para lumawak ang kaalaman niya.
(photos taken at Holiday Villa Bahrain Hotel,The Dolphin Resort, and Bahrain Marina Amusement Park)